Friday, March 25, 2011

Ang Salah

1. Ang Salah o Pagdarasal ay ang ikalawang Haligi sa mga Haligi ng Islam. Ito ay tungkuling ginagampanan ng bawat Muslim at Muslimah na may sapat na gulang (15 taon pataas) at sapat na pag-iisip. Ang sinumang tumalikod sa pagsagawa ng Salah ay itinuturing na Kafir ayon sa nagkakaisang hatol ng mga Iskolar ng Islam. Ito ang unang pananagutan ng tao sa Kabilang-buhay.
2. Ang pagsasagawa ng Salah sa Jama'ah (Kongregasyon) sa Masjid ay tungkulin ng mga kalalakihan. Ang limang Salah sa araw at gabi ay ang Salah sa Fajr (madaling araw), Salah sa Dhuhr (tanghali), Salah sa 'Asr (hapon), Salah sa Maghrib (paglubog ng araw), at Salah sa Isha' (gabi). Itinatagubilin sa isang Muslim na mahinahon at panatag na pumunta sa Masjid, at itinatagubilin ding magsagawa muna ng dalawang Rak'ah na Salah (Salah ng pagbati sa Masjid) bago maupo.
3. Kailangang takpan ang 'Awrah sa pagsasagawa ng Salah. Ang 'Awrah ng lalaki ay mula sa pusod hanggang sa tuhod at ang sa babae naman ay ang kanyang buong katawan, maliban sa mukha kapag nagsasagawa ng Salah. Ang pagharap sa Qiblah (ang dakong kinaroonan ng Makkah) ay isa rin sa kundisyon upang maging tanggap ang Salah.
4. Kailangang isagawa ang Salah sa takdang oras nito. Hindi tanggap ang Salah na isinagawa bago sumapit ang takdang oras nito, maliban na lamang kung naglalakbay. Ipinagbabawal ang pagpapahuli sa pagsagawa ng Salah sa takdang oras nito.
Ang Mga Oras ng Salah at Bilang ng Rak'ah
Ang oras ng Fajr ay nagsisismula sa pagsapit ng madaling araw hanggang sa bago sumikat ang araw.
Ang oras ng Dhuhr ay magmula sa paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat hanggang sa ang isang bagay at ang anino nito ay bago maging magkasinghaba.
Ang oras ng 'Asr ay nagsisimula kapag ang isang bagay at ang anino nito ay magkasinghaba na hanggang sa bago lumubog ang araw.
Ang oras ng Maghrib ay nagsisimula kapag lumubog na ang araw hanggang sa bago maglaho ang takipsilim o pamumula sa langit na siyang resulta ng paglubog ng araw.
Ang oras ng Isha' ay nagsisimula kapag naglaho na ang takipsilim hanggang sa bago maghatinggabi.
Ang Pagsasagawa ng Salah
Ang pagtuturo ng Saláh ay may kalakip na aktuwal na pagsasagawa nito at kailangang tiyakin na lubos itong natutuhan ng mga mag-aaral.
Kailangang isagawa ang Salah nang may kapanatagan at kababaang-loob.
1. Ihaharap sa Qiblah ang buong katawan nang walang paglihis o paglingon.
2. Isasaisip ang Salah na ninanais na isagawa nang hindi na binibigkas ang Niyah (layunin).
3. Isasagawa ang Takbiratul Ihram sa pamamagitan ng pagsabi ng Allahu akbar habang itinataas ang mga kamay na nakabukas nang pantay sa balikat o tainga.
4. Ipapatong ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay na nasa dibdib.
5. Tahimik na sasabihin ang Istiftah: subhana kallahumma wa bihamdika wa tabarakasmuka wa ta'ala jadduka wa la ilaha ghayruk .
6. Tahimik na sasabihin ang Isti'adhah: a' othu billahi minash shaytanir rajim.
7. Tahimik na sasabihin ang Basmalah: bismillahir rahmanir rahim at ang Soratul Fatihah.
1 bismillahir rahmanir rahim
2 alhamdu lillahi rabbil 'alamin
3 arrahmanir rahim
4 maliki yawmiddin
5 iyaka na'budu wa iyaka nasta'in
6 ihdinas siratal mustaqim
7 siratal ladhina an 'amta 'alayhim ghayril maghdobi 'alayhim wa lad dallin.
amin
8. Bibigkas ng anumang makakaya mula sa Qur'an.(1)
9. Magsasagawa ng Ruko' (Pagyukod): itataas ang mga kamay na nakabukas nang pantay sa balikat o tainga habang nagsasabi ng Allahu akbar at pagkatapos ay iyuyukod ang ulo kasama ng katawan at ilalagay sa mga tuhod ang mga kamay na nakabuka ang mga saliri. Samantalang nakayukod ay nagsasabi ng subhana rabbiyal 'adhim nang tatlong beses.
(1) Kapag nagsasagawa ng Salah na kasama ng Imam (nangunguna sa Salah) ay hindi na bibigkas ng talata ng Qur'an. Sapat na lamang na bigkasin nang tahimik ang Soratul Fatihah matapos na ito ay bigkasin ng Imam.
10. Iaangat ang ulo [kasama ng katawan] mula sa pagkakayukod habang nagsasabi ng sami'allahu liman hamidah
at habang itinataas ang mga kamay na nakabukas nang pantay sa balikat o sa tainga. Ang Ma'mom (ang pinangungunahan ng Imam sa Salah) ay magsasabi naman ng rabbana wa lakal hamdsa halip na sami'allahu liman hamidah. Ipapatong ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay na nasa dibdib.
11. Habang nakatayo ay magsasabi ng rabbana wa lakal hamd, mil'as samawati wa mil'al ardi wa mil'a ma shi'ta min shay'im ba'd
12. Magpatirapa ng unang pagpapatirapa at magsasabi ng Allahu akbar habang nagpapatirapa. Habang nakapatirapa na, ang pitong bahagi ng katawan ay nakadiit sa lapag: ang noo kasama ng ilong, ang mga palad, ang mga tuhod, at ang dulo ng mga paa. Ilalayo sa gilid ng katawan ang mga braso. Ihaharap ang dulo ng mga daliri ng paa at kamay sa Qiblah. Habang nakapatirapa ay magsasabi ng subhana rabbiyal a'la Ang Sunnah ay tatlong ulit itong sasabihin ngunit ipinahihintulot din naman kahit ilang ulit, kahit isang ulit pa.
13. Pagkatapos ay iaangat ang ulo kasama ng katawan mula sa pagkakapatirapa habang nagsasabi ng Allahu akbar. Uupo—sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa—nang pag-upong Iftirash: nakaupo sa kaliwang paa na nakahiga at nakaturo ang mga daliri nito sa gawing kanan samantalang nakatukod ang kanang paa habang nakalagay ang kanang kamay sa dulo ng kanang hita sa tabi ng tuhod at ang kaliwang kamay sa dulo ng kaliwang kamay sa tabi ng tuhod. Samantalang nakaupo na ay magsasabi ng rabbighfir li warhamni wahdini warzuqni wajburni wa 'afini
14. Pagkatapos ay muling magpapatirapa katulad ng sa unang pagpapatirapa sa kung ano ang sinasabi at ginagawa.
15. Pagkatapos ay babangon buhat sa ikalawang pagkakapatirapa habang nagsasabi ng Allahu akbar, at tatayo nang tuwid. Isasagawa ang ikalawang Rak'ah na tulad ng sa unang Rak'ah sa kung ano ang sinasabi at ginagawa ngunit hindi na bibigkasin ang Istiftah at ang Isti'adhah. Pagkatapos ng ikalawang pagkakapatirapa ay uupo at bibigkasin ang Unang Tashahhud* at ang Ikalawang Tashahhud. Pagagalawin ang kanang hintuturo na nakaturo samantalang binibigkas ang Shahadah: ash'hadu alla ilaha illallah, wa ash'hadu anna muhammadan 'abduhu wa rasoluh.
Ang Unang Tashahhud:
attahiyatu lillahi was salawatu wat tayyibat, assalamu 'alayka ayyuhan nabiyu wa rahmatullahi wa barakatuh, assalamu 'alayna wa 'ala 'ibadillahis salihin, ash'hadu alla ilaha illallah, wa ash'hadu anna muhammadan 'abduhu wa rasluh.
*Tingnan ang Paalaala pagkatapos ng bilang 16.
Ang Ikalawang Tashahhud:
Allahumma salli 'ala Muhammad, wa 'ala ali Muhammad, kama sallayta 'ala ibrahim, wa 'ala ali ibrahim, innaka hamidum majid, wa barik 'ala Muhammad, wa 'ali ali Muhammad, kama barakta 'ala ibrahim, wa 'ala ali ibrahiam, innaka hamidum majid, allahumma inni a'odhu bika min 'adhabi jahannam, wa min 'adhabil qabri, wa min fitnatil mahya wal mamat, wa min fitnatil masihid dajjal.
Pagkatapos ng Tashahhud ay manalangin ng anumang maibigan na makabubuti sa Mundo at sa Kabilang-buhay.
16. Pagkatapos ay magsasagawa ang Taslím: magsasabi ng assalamu 'alaykum wa rahmatullah habang lumilingon sa kanan at magsasabi muli nito habang lumilingon naman sa kaliwa.
Paalaala: Kapag nagsasagawa ng Salah na tatluhang Rak'ah gaya ng Salah sa Maghrib o apatang Rak'ah gaya ng Salah sa Dhuhr o 'Asr o 'Isha' ay titigil sa katapusan ng Unang Tashahhud at pagkatapos ay babangon upang tumayo habang nagsasabi ng Allahu akbar at ipapantay ang nakabukas na mga kamay sa balikat kapag nakatayo na. Ilalagay ang kanang palad sa likod ng kaliwang kamay na nakapatong sa dibdib habang nakatayo na. Pagkatapos ay isasagawa ang natitira sa Salah gaya ng pagsasagawa ng ikalawang Rak'ah, subalit bibigkas ng Sorah al-Fatihah lamang habang nakatayo.
17. Sa Huling Tashahhud ng Salah na Dhuhr, 'Asr, Maghrib, at 'Isha' ay uupo ng pag-upong Tawarruk: nakatukod ang kanang paa, nakalabas ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang lulod at maaaring nakaupo sa lapag. Habang nakaupo ay nakalagay ang mga kamay sa mga hita gaya ng pagkakalagay sa unang Tashahhud. Bibigkasin ang Una at Ikalawang Tashahhud sa upong ito at pagkatapos ay magsasagawa ng Taslim.
Ang Nahuli sa Salah
Bubuuhin ang bahagi ng Salah na hindi naabutan kasabay ng Imam pagkatapos na magsagawa ng Taslim ang Imam. Ang maging simula ng Salah ay ang Rak'ah na naabutan kasabay ng Imam. Naaabutan ang isang Rak'ah kapag naabutan ang pagyukod (Ruko') sa Rak'ah ng Salah kasabay ng Imam. Subalit kung hindi naabutan kasama ng Imam ang pagyukod sa Rak'ah na iyon, hindi na naabutan ang buong Rak'ah ng Salah na iyon. Ang Nahuli sa Salah, kapag dumating sa Masjid, ay dapat na lumahok kaagad sa Jama'ah maging anuman ang posisyon nila—nakatayo o nakayukod o nakapatirapa man sila o maging ano pa man ang ginagawa nila, at hindi na niya hihintayin ang kanilang pagtayo para sa kasunod na Rak'ah. Isasagawa niya ang Takbiratul Ihram samantalang siya ay nakatayo, maliban na lamang kung may dahilang hindi tumayo gaya ng isang may-sakit.
Ang mga Nakasisira sa Salah
1. Ang pagsasalita nang sadya kahit kaunti lamang,
2. Ang paglihis ng buong katawan sa pagkakaharap sa Qiblah,
3. Ang pag-utot o paglabas sa katawan ng anumang bagay na nagiging dahilan kung bakit kailangan ang Wudo' at Ghusl,
4. Ang maraming sunod-sunod na paggalaw na hindi kailangan,
5. Ang pagtawa kahit kaunti lamang,
6. Ang sinasadyang pagpapalabis sa bilang ng pagyukod o pagtayo o pagpapatirapa o pag-upo, at
7. Ang sinasadyang pakikipag-unahan sa Imam.
Ang mga Wajib ng Salah
1. Ang lahat ng Takbir (pagsasabi ng Allahu akbar) maliban sa Takbiratul Ihram,
2. Ang pagsabi ng subhana rabbiyal 'adhim habang nakayukod,
3. Ang pagsabi ng sami'allahu liman hamidah para sa Mag-isang nagsasagawa ng Salah at para sa Imam,
4. Ang pagsabi ng rabbana wa lakal hamd matapos iangat ang ulo at katawan mula sa pagkakayuyukod,
5. Ang pagsabi ng subhana rabbiyal a'la habang nakapatirapa,
6. Ang pagsabi ng rabbighfir li sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa,
7. Ang pagbigkas ng Unang Tashahhud, at
8. Ang pag-upo para sa Unang Tashahhud.
Ang mga Rukn o Saligan ng Salah
1. Ang pagtayo hanggang makakaya,
2. Ang pagsabi ng Takbiratul Ihram o panimulang takbir,
3. Ang pagbigkas ng Suratul Fatihah sa bawat Rak'ah,
4. Ang pagyukod,
5. Ang pagbangon mula sa pagkakayukod,
6. Ang pagpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan,
7. Ang pag-angat ng ulo at katawan mula sa pagkakapatirapa,
8. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa,
9. Ang kapanatagan,
10. Ang pagbigkas ng Huling Tashahhud,
11. Ang pag-upo para sa Huling Tashahhud,
12. Ang dalangin ng pagpapala para sa Propeta (isinama na ito sa Huling Tashahhud),
13. Ang pagsasagawa ng Taslim,
14. Ang pagkakasunod-sunod.
Ang Pagkakamali sa Salah
Kapag nagkamali ang isang tao sa kanyang Salah, halimbawa ay may nakaligtaang isang Wajib ng Salah gaya ng Unang Tashahhud o anumang tulad nito na kabilang sa mga Wajib ng Salah, siya ay magsasagawa ng Sujodus Sahw—dalawang magkasunod na pagpapatirapa habang nakaupo—bago magsagawa ng Taslim sapagkat ang pagkakamaling ito ay itinuturing na kakulangan sa Salah.
Subalit kapag nakagawa siya ng kalabisan sa Salah, siya ay magsasagawa ng Sujodus Sahw pagkatapos ng Taslim at saka magsasagawa muli ng Taslim. Ngunit kapag may isa sa mga Rukn ng Salah na nakaligtaan, kailangang isagawa ang nakaligtaang Rukn ng Salah(1) at kailangan ding magsagawa ng Sujodus Sahw bago magsagawa ng Taslim.
Pagkatapos ng Salah sa Fajr at Maghrib, kanais-nais na ulitin nang sampung beses ang sumusunod na Dhikr:
(1) Kung naalaala kaagad ang nakaligtaang Rukn ng Salah, ngunit kung marami nang kilos ang namagitan kailangang ulitin na ang buong Rak'ah na kinapapalooban ng nakaligtaang Rukn ng Salah.
Ang mga Dhikr Pagkatapos ng Salah
astaghfirullah (3x); allahumma antas salamu wa minkas salam, tabarakta ya dhal jalali wal ikram.(1)
la ilaha illallah wahdahu la sharika lah, lahul mulku wa lahul hamd wa huwa 'ala kulli shay'in qadir, Allahumma la mani'a lima a'tayta, wa la mu'tiya lima mana'ta, wa la yanfa'u dhal jaddi minkal jadd.(2)
(1) Hinihingi ko ang kapatawarin ni Allah (3x). O Allah, Ikaw po ang Walang kapintasan at sa Iyo po nagmumula ang kapayapaan. Napakamapagpala Mo po, Ikaw na karapat-dapat sa pagpipitagan at pagpaparangal.
(2) Walang totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pupuri. Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay. O Allah, wala pong makapipigil sa anumang Iyong ibinigay at wala pong makapagbibigay sa anumang Iyong pinigil. At hindi po makapagdudulot ng kapakinabangan sa may yaman ang kayamanan laban sa Iyong kalooban.
la hawla wa la qowata illa billah, la ilaha illallah, wa la na'budu illa iyah, lahun ni'matu wa lahul fadlu wa lahuth thana'ul hasan, la ilaha illallah mukhlisina lahud dina wa law karihal kafiron.( 1)
la ilaha illallah, wahdahu la sharika lah, lahul mulku wa lahul hamd, yuhyi wa yumit, wa huwa 'ala kulli shay'in qadir. (2)
At pagkatapos ay bibigkasin ang sumusunod:
subhanallah (33x), alhamdu lillah (33x), Allahu akbar (33x); la ilaha illallah, wahdahu la sharika lah, lahul mulku wa lahul hamd, wa huwa 'ala kulli shay'in qadir. (3)
(1) Walang lakas at walang kapangyarihan kundi sa pamamagitan ni Allah. Walang totoong Diyos kundi si Allah, at wala na tayong iba pang sasambahin kundi Siya. Taglay Niya ang pagpapala, taglay Niya ang kagandahang-loob at sa Kanya nauukol ang mainam na pagpapapuri. Walang totoong Diyos kundi si Allah, wagas na inuukol sa Kanya ang pagsamba, kahit masuklam man ang mga tumatangging sumasampalataya.
(2) Walang totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pupuri. Nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.
(3) Kaluwalhatian kay Allah (33x). Ang papuri ay ukol kay Allah (33x). Si Allah ay Pinakadakila (33x). Walang totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang papuri. At Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.
Bibigkasin ang Ayatul Kursi ang Soratul Ikhlas, ang Soratul Falaq at Soratun Nas sa bawat Salah. Kanais-nais na ulitin nang tatlong beses ang tatlong Sorah na ito pagkatapos ng Salah sa Fajr at Maghrib.
Ayatul Kursi
Allahu la ilaha illa huwal hayyul qayyom,
la ta'khudhuhu sinatuw wa la nawm,
laho ma fis samawati wa ma fil ard,
man dhal ladhi yashfa'u 'indahu illa bi'idhnih,
ya'lamu ma bayna aydihim wa ma khalfahum,
wa la yuhitúna bishay'im min 'ilmihi illa bima sha',
wasi'a kursiyuhus samawati wal ard,
wa la ya'úduhu hifdhuhuma,
wa huwal 'aliyul 'adhim.
(1) Si Allah—walang totoong Diyos kundi Siya—ang Buhay, ang Tagapag-aruga.
Hindi Siya natatangay ng antok ni ng pagkatulog.
Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa.
Sino kaya ang makapamamagitan sa Kanya kung walang kapahintulutan Niya?
Nalalaman Niya ang hinaharap nila at ang nakaraan nila;
at hindi nila matatalos ang anuman mula sa Kanyang kaalaman maliban sa niloob Niya.
Saklaw ng Kanyang luklukan ang mga langit at ang lupa;
at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito.
At Siya ang Mataas, ang Dakila.
Suratul Ikhlas
bismillahir rahmanir rahim,
(1) qul huwallahu ahad,
(2) allahus samad,
(3) lam yalid wa lam yoolad,
(4) wa lam yakul lahu kufuwan ahad.
(1) Sa ngalan ni Allah, ang Puspos ng awa, ang Maawain.
(1)Sabihin mo: "Siyang si Allah ay iisa.
(2)Si Allah ay ang Dulugan.
(3) Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.
(4)At walang isamang naging kapantay Niya."
Suratul Falaq
bismillahir rahmanir rahim,
(1) qul a'odhu birabbil falaq,
(2) min sharri ma khalaq,
(3) wa min sharri ghasiqin idha waqab,
(4) wa min sharrin naffathati fil 'uqad,
(5) wa min sharri hasidin idha hasad.
(1) Sa ngalan ni Allah, ang Puspos ng awa, ang Maawain. (
1)Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway,
(2)laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya,
(3)at laban sa kasamaan ng nagdidilim na gabi kapag sumapit ito,
(4)at laban sa kasamaan ng mga mangkukulam na umiihip sa mga buhol ng tali,
(5)at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag nainggit ito."
Suratun Nas
bismillahir rahmanir rahim,
(1)qul a'odhu birabbin nas,
(2)malikin nas,
(3)ilahin nas,
(4)min sharril waswasil khannan nas,
(5)alladhi yuwaswisu fi sudorin nas,
(6)minal jinnati wan nas.
Sa ngalan ni Allah, ang Puspos ng awa, ang Maawain.
(1)Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,
(2)na Hari ng mga tao,
(3)na Diyos ng mga tao;
(4)laban sa kasamaan ng tagapag-udyok na palakubli
(5)na bumubulong sa mga dibdib ng mga tao
(6)na kabilang sa mga jinni at mga tao."
Ang mga Sunnah Ratibah
Kanais-nais para sa bawat Muslim at Muslimah na panatilihin ang pagsasagawa ng 12 Rak'ah na Sunnah Ratibah kapag hindi naglalakbay: apat na Rak'ah bago isagawa ang Salah sa Dhuhr at dalawang Rak'ah pagkatapos nito, dalawang Rak'ah pagkatapos ng Salah sa Maghrib, dalawang Rak'ah pagkatapos ng Salah sa 'Isha' at dalawang Rak'ah pagkatapos ng Salah sa Fajr sapagkat ang Propeta (SAS) ay nagpapanatili noon sa pagsasagawa ng mga ito. Nagsabi siya: "Ang sinumang magsagawa ng labindalawang Rak'ah sa kanyang araw at gabi bilang pagkukusang-loob, gagawan siya ng bahay sa Paraiso." Sunnah rin para sa isang Muslim na magsagawa ng Salah na Witr, na isinasagawa sa pagitan ng pagkatapos ng Salah sa 'Isha' hanggang sa bago magmadaling-araw. Ang Witr at Sunnah Ratibah sa Fajr ay kabilang sa mga Sunnah na palaging isinasagawa noon ng Sugo (SAS), naglalakbay man siya o hindi naglalakbay.

Ang Tayammum

Ipinahihintulot ang Tayammum sa di-naglalakbay at sa Musafir (naglalakbay). Ito ay pamalit sa Wudo o Ghusl kapag ang isa sa mga sumusunod na kadahilanan ay lumitaw:
1. Kapag walang makitang tubig matapos ang masidhing paghahanap—o kung mayroon man ay hindi makasasapat para sa Wudo o Ghusl o bagaman malapit ang pinagkukunan ng tubig ay nangangambang baka may masamang mangyari sa sarili o sa ari-arian kapag umalis at kumuha ng tubig—ay magsasagawa ng Tayammum.
2. Kapag may sugat sa ilang bahagi ng katawan na kailangang hugasan, ito ay huhugasan pa rin ng tubig kapag magsasagawa ng Wudo. Ngunit kung ang paghuhugas ng tubig sa sugat ay makasasama, papahiran na lamang ang sugat: babasain ang kamay at ihahaplos nito sa sugat. Kung ang pagpapahid ay makasasama pa rin dito, magsasagawa na ng Tayammum para rito:@@@ magsasagawa muna ng Wudo—huhugasan ang maaaring hugasan at ang bahagi na hindi maaaring hugasan o pahiran ay hahayaan—at pagkatapos ng Wudo' ay magsasagawa ng Tayammum.
3. Kapag ang tubig o ang klima ay lubhang malamig at nangangambang ang paggamit ng tubig ay baka makapinsala.
4. Kung may tubig man ngunit ito ay lubhang kailangan para sa inumin, magsasagawa na rin ng Tayammum.

Ang Pagsasagawa ng Tayammum

1. Isasapuso ang hangaring magsasagawa ng Tayammum.
2. Bibigkasin ang bismillah.
3. Itatapik nang isang beses ang mga palad sa tuyong lupa.(1)
4. Ihahaplos nang isang beses ang mga palad sa mukha.
5. Ihahaplos ang kaliwang palad sa kanang kamay at pagkatapos ay ihahaplos naman ang kanang palad sa kaliwang kamay nang tig-iisang beses.
Ang nakasisira sa Tayammum ay ang nakasisira rin sa Wudo'. Nawawala ang bisa ng Wudo' kapag nagkaroon na ng tubig ang isang walang tubig bago nagsagawa ng Salah o samantalang ito ay nagsasagawa nito. Subalit kapag nakatapos na siyang magsagawa ng Salah ay saka pa lamang nagkaroong ng tubig, tanggap pa rin ang kanyang Salah.(2)
(1) Maliban sa tuyong lupa, maaari rin ang kahit anong bagay na may alikabok gaya ng pader, dingding, bato, buhangin, at iba pa.
(2) Nawawala rin ang bisa ng Tayammum kapag ang mga hadlang sa pagsasagawa ng Wudo' at Ghusl ay nawala.

Mga Nakapagpapawalang-bisa sa Wudo

Ang lahat ng lumalabas sa labasan ng ihi at dumi ay nakasisira sa Wudo, gaya ng ihi, dumi, utot, Mani (semen), Madhy at Wady.
Kapag Mani ang lumabas ay kailangan nang magsagawa ng Ghusl. Nakapagpapawalang-bisa rin ang pagkatulog, ang paghawak sa ari na hindi nahahadlangan ng anumang kasuutan, ang pagkain ng karne ng kamelyo, at ang pagkawala ng malay.

Ang Ghusl

Ang Ghusl ay pagbubuhos ng tubig sa buong katawan sa layuning magsagawa ng Taharah: kailangang hugasan ang lahat ng bahagi ng katawan, kasama na rito ang pagmumumog at pagsinga sa tubig na ipinasok sa ilong. Nagiging sapilitan ang Ghusl kapag nangyari ang isa sa limang ito:
1. Ang paglabas ng Mani ng lalaki o babae (1) nang may kasamang pagnanasang seksuwal, gising man o tulog; ngunit kapag lumabas ang Mani nang walang kasamang pagnanasang seksuwal, hindi na kailangang magsagawa ng Ghusl. Kapag nanaginip na nakikipagtalik at wala namang nakitang may lumabas na Mani, hindi na rin kailangang magsagawa ng Ghusl; kailangan lamang ang Ghusl kapag may nakitang likido.
2. Ang pagtatagpo ng mga ari ng lalaki at babae: ang pagpasok ng dulo ng ari ng lalaki sa puwerta ng ari ng babae, kahit man walang nangyaring paglabas ng Mani .
3. Ang paghinto ng regla at Nifas: pagdurugo dahil sa pagsilang.
4. Ang kamatayan, sapagkat kailangang paliguan ang patay.
5. Kapag yumakap sa Islam ang Kafir, kailangang magsagawa siya ng Ghusl.
(1) Ang Mani para sa babae ay ang kulay puting malabnaw na likido na kadalasang lumalabas kapag nikipagtalik o nanaginip na nakikipagtalik. Iba ito sa regular na pamamasa (wetness) na dinaranas ng babae o sa vaginal discharge.

Ang mga Ipinagbabawal sa Junub

1. Ang paghawak at pagdadala ng kopya ng Qur'an at ganoon din ang pagbigkas ng talata buhat sa Qur'an—may tunog man o walang tunog, buhat sa memorya man o direktang pagbabasa mula sa Qur'an;
2. Ang pananatili sa loob ng Masjid: hindi ipinahihintulot sa Junub ni sa nireregla, ngunit ang pagdaan sa loob ay hindi masama.
3. Ang pagsasagawa ng Salah at Tawaf.

Ang Wudo'

Hindi tanggap ang Salah na walang Wudo'(1)sapagkat ang sabi ng Propeta (SAS): "Hindi tatanggapin ni Allah ang Salah ng sinuman sa inyo kapag nawalan ng saysay ang kanyang Wudo' hangga't hindi siya nagsasagawa ng Wudo'."
Kailangang ayon sa pagkasunod-sunod at tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Wudo'. Sunnah din na magtipid sa tubig. Sa isang Hadith na isinalaysay ni Ibnu Majah, ang Propeta (SAS) ay nakakita ng isang lalaking nagsasagawa ng Wudo' kaya nagsabi siya rito: "Huwag kang magsayang, huwag kang magsayang [ng tubig]."
(1) Ang Wudo' ay ang kinakailangang paghuhugas bago magsagawa ng Salah upang maging tanggap ang Salah. Kailangan din ang Wudo' kapag magsasagawa ng Tawaf sa Ka'bah at kapag hihipuin ang talata ng Qur'an. Ang Tawaf ay ang pag-ikot ng pitong ulit sa palibot Ka'bah.
Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Wudo'
1. Isasapuso ang Niyah (hangarin) na magsasagawa ng Wudo' nang hindi na binibigkas ang Niyah. Ang Niyah ay ang pagpapasya ng isip na gawin ang isang bagay. Pagkakatapos ay magsasabi ng bismillah .
2. Huhugasan ang mga kamay nang tatlong beses.
3. Magmumumog at isisinga ang tubig na ipinasok sa ilong. Gagawin ito nang tigtatatlong beses.
4. Huhugasan ang mukha nang tatlong beses: magmula sa isang tainga hanggang sa kabilang tainga, at mula sa mga tinutubuan ng mga buhok sa noo hanggang sa dulo ng balbas.
5. Huhugasan nang tigtatatlong beses ang kamay at braso mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa siko. Magsimula sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa.
6. Hahaplusin ang ulo nang isang beses. Babasain ang mga kamay at pagkatapos ay ihahaplos mula unahan ng ulo (sa tinutubuan ng buhok sa noo) hanggang sa hulihan nito (sa tinutubuan ng buhok sa batok) at ihaplos pabalik sa unahan ng ulo.
7. Hahaplusin nang isang beses ang mga tainga: ipapasok ang mga hintuturo sa butas ng mga tainga habang ang likod ng mga tainga ay hinahaplos ng hinlalaki.
8. Huhugasan ang mga paa nang tatlong beses mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa bukong-bukong. Magsimula sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa.
9. Pagkatapos nito ay manalangin ng panalanging ito na nasasaad sa Hadith: ash'hadu alla ilaha illallah, wahdahu la sharika lah, wa ash'hadu anna Muhammadar ras olullah.(1)

Ang Pagpupunas sa Medyas

Bahagi ng kaluwagan at kagaanan ng Relihiyong Islam ay na ipinahintulot nito ang pagpupunas sa ibabaw ng suot na medyas (sa halip na hubarin at hugasan ang paa). Ito ay napatunayang ginawa ng Propeta (SAS). Subalit ay may kundisyon ang pagpupunas sa medyas: kailangang isuot ito habang hindi pa nawawala ang bisa ng Wudo. Ang pagpupunas ay sa ibabaw nito; hindi pupunasan ang suwelas nito. Ang haba ng panahon na ipinahihintulot ang pagpapahid (mula nang unang pahiran ang suot na medyas) ay isang araw at isang gabi (24 oras) para sa hindi naglalakbay at tatlong araw at tatlong gabi (72 oras) para sa isang Musafir (naglalakbay). Nawawala ang bisa ng pagpapahid kapag natapos na ang takdang panahon nito, o kapag hinubad na ang mga medyas matapos napunasan, o kapag naging Junub(2) ang nakasuot ng medyas dahil kailangang hubarin na ito para magsagawa ng Ghusl.
(1) Sumasaksi ako na walang totoong Diyso kundi si Allah; tanging Siya lamang, wala Siyang katambal; at sumasaksi ako na si Muhammad ay Sugo ni Allah.
(2) Naging Junub ang isang tao kapag nakipagtalik siya, kapag may lumabas na semen sa kanya kalakip ng pagnanasang seksuwal, kapag dumating ang buwanang dalaw ng isang babae at habang may Nifas (pagdurugo sanhi ng panganganak).

Ang Paggamit ng Palikuran

1. Bago pumasok sa palikuran ay magsasabi ng ganito: bismillah, allahumma inni a'odhu bika min al khubthi wal khabaith.(1) Inuuna ang kaliwang paa sa pagpasok sa palikuran. Pagkalabas ay magsasabi naman ng ghufranak.(2)Inuuna naman ang kanang paa sa paglabas.
2. Hindi magdala sa loob ng palikuran ng anumang bagay na may nakasulat na pangalan ni Allah maliban na lamang kung nangangambang mawawala kapag iniwan sa labas.
3. Ang hindi pagharap o pagtalikod sa Qiblah kapag iihi o dudumi sa disyerto o ilang.
4. Ang pagtatakip ng 'Awrah(3) sa harap ng ibang tao at hindi magpapabaya sa bagay na ito. Ang 'Awrah ng lalaki ay mula sa pusod hanggang sa tuhod at ang sa babae naman ay ang kanyang buong katawan, maliban sa mukha kapag nagsasagawa ng Salah.
5. Ang pag-iingat na hindi madikitan ang katawan o kasuutan ng ihi o dumi.
6. Ang paglilinis ng sarili sa pamamagitan ng tubig matapos umihi o dumumi, o sa pamamagitan ng paggamit ng papel o bato at iba pang katulad nito upang maalis ang bakas ng Najasah (sanhi ng ihi at dumi) kapag walang tubig, at ang paggamit ng kaliwang kamay sa paglilinis.
7. Kailangang panatilihin ang pagiging tahimik sa loob ng silid-palikuran. Maaaring magsalita kung kailangan na magbigay ng babala sa iba kung may panganib at iba pa.
(1) Sa ngalan ni Allah. O Allah, tunay na ako po ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa masama at mga demonyo.
(2) Hinihingi ko po (Allah) ang Iyong kapatawaran.
(3) Ang bahagi ng katawan na hindi dapat makita ng ibang tao maliban sa asawa.

Ilang Alituntunin Hinggil sa Najasah

1. Kapag nakapitan ang isang tao ng isang bagay na hindi niya malaman kung ito ay Najis o hindi, hindi na niya kailangang usisain pa ito at hindi na rin niya kailangang hugasan pa.
2. Kapag nang nakatapos magsagawa ng Salah ang isang tao ay may nakitang Najasah sa katawan o damit, ngunit hindi niya nalaman iyon bago nagsagawa ng Salah, o nalalaman nga ngunit nakalimutan, ang kanyang Salah ay tanggap pa rin.
3. Kung hindi makita ang kinapitan ng Najasah sa damit, kailangang labhan o hugasan ang buong damit.
4. Ang Najasah ay maraming uri:
A. Ang ihi at ang dumi.
B. Ang Wady. Ito ay malapot na puting likidong lumalabas pagkatapos umiihi.
C. Ang Madhy. Ito ay malagkit na puting likidong lumalabas sa ari sa sandali ng matinding pagnanasang seksuwal.
Ang Wady at Madhy ay Najasah na kailangang hugasan at labhan ang bahagi ng katawan at kasuutan na nakapitan nito. Ang Mani (semen) ay Tahir ngunit kanais-nais na hugasan kapag ito ay basa pa at kuskusin kapag tuyo na.
D. Ang ihi at ang dumi ng hayop na ipinagbabawal kainin sa Islam ay Najis, ngunit ang ihi at ang dumi ng hayop na ipinahihintulot kainin ay hindi Najis.(1)
E. Ang ihi, dumi, dugo, nana at suka ng tao ay Najis.(1)
(1) Itinatugibilin pa ring hugasan ang bahagi ng katawan o kasuutan na nakapitan nito.

Ang Taharah at ang Salah

Ang Taharah at ang Najasah
Sa pagsasagawa ng Taharah(1) ay gumagamit ng tubig, gaya ng ulan, dagat at iba pa.
(2) Maaari ring gamitin ang tubig na Musta'mal
(3) sa pagsasagawa ng Taharah at gayon din ang tubig na nahaluan ng isang bagay na Tahir
(4) at nanatiling tubig at hindi nabago ang pagiging tubig. Ang tubig na nahaluan ng Najis
(5) ay hindi na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng Taharah kapag nabago ng Najasah
(6) ang lasa ng tubig o ang amoy nito o ang kulay nito. Kung wala namang naganap na anuman sa mga iyon, maaari pa ring gamitin ito sa pagsasagawa ng Taharah. Maaari ring gamitin ang natirang tubig sa lalagyan matapos inuman, maliban sa ininuman ng aso at baboy sapagkat ito ay naging Najis na.
Ang Najasah ay bagay na kailangang iwasan ng isang Muslim at hugasan ang anumang kumapit sa kanya mula rito. Kailangang hugasan ang damit at katawan kapag nadiitan o nakapitan ng Najasah nang sa gayon ay maaalis ito sa mga iyon. Kung ang Najasah ay nakikita gaya ng dugo, kung may matira mang bakas na mahirap maalis kahit matapos hugasan o labhan ay walang masama doon. Subalit kung ang Najasah ay hindi nakikita, sapat nang ito ay hugasan kahit isang beses lamang.
Ang lupa, kapag nalagyan ng Najasah, ay nagiging Tahir sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tubig dito. Nagiging Tahir din ang lupa kapag natuyo ang Najasah kung ito ay likido. Subalit kung ang Najasah ay solido, ang lupa ay hindi magiging Tahir kung hindi maaalis ang Najasah.
(1) Ang hinihiling na kalinisan o paglilinis bago magsagawa ng pagsamba.
(2) Gaya ng tubig na galing sa niyebe, balon, bukal, batis, ilog, sapa, at lawa.
(3) Ang nagamit na sa pagsasagawa ng Taharah. Maaaring gamitin ngunit hindi madalas; ginagamit lamang ito kapag kinapos ng tubig.
(4) Anumang bagay na hindi itinuturing ng Shari'ah na nakapagpaparumi o marumi.
(5) Anumang bagay na itinuturing ng Shari'ah na marumi at nakapagpaparumi.
(6) Anumang bagay na Najis o ang itinuturing ng Batas ng Islam na Karumihan.

ANG PAG-AASAWA SA ISLAM

MGA NILALAMAN:



1. Mga kondisyon sa Kasal

2. Ang ilang Resulta sa Pag-aasawa

3. Mga tagubilin at Kagandahang Asal Para sa Mag-asawa

4. Ang mga Katangian ng Maybahay

5. Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa ng Isang Lalaki

6. Ang Diborsiyo

7. Ang ilang Resulta ng Diborsiyo

8. Ang Khula

9. Ang Khiyar

10. Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim

11. Bakit Kailangan ang Diborsiyo

12. Ang Polygyny



Mga Kondisyon sa kasal

1. Ang pagsang-ayon ng lalake at babae



Hindi matatanggap na pilitin ang lalaki na mag-aasawa sa hindi niya gusto at hindi rin matatan-gap na pilitin ang isang babae na mag-asawa sa hindi niya gusto. Ipinagbawal ng Islam na ipaasawa ang isang babae kung walang pagsang-ayon niya. Kaya kapag tumanggi siyang ipaasawa sa isang lalaki , hindi pinahi-hintulutan ang sinuman , Kahit na ang ama niya , na siya ay pilitin.



2. Ang wali



Hindi matatanggap ang kasal kapag wala ang wali ng babae ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) :

"Hindi matatanggap ang kasal kapag walang wali." Kaya kung sakaling kusang nag-asawa ang babae , ang kasal niya ay walang saysay , daluhan man niya ang kasal o magtalaga man siya ng isang taong dadalo para sa kanya. Ang wali ay kailangang nasa wastong gulang (15 taong gulang o higit pa), may wasto at sapat na pag-iisip , at isang lalaki kabilang sa mga lalaking kamag-anakan ng babae ay ang mga sumusunod alinsunod sa pagkakasunod kung sino ang lalong karapat-dapat sa kanila: ang ama , ang taong pinagbilinan ng ama namaging wali ng kanyang anak na babae , ang lolo sa ama , ang lolo sa tuhod saka ang ama ng lolo sa tuhod pataas , ang kanyang anak na lalaki , ang mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki at saka ang mga lalaking kaapu-apuhan ng mga ito , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na kapatid na lalaki sa ama't ina , ang kanyang kapatid na lalaki sa ama't ina , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na lalaki sa ama , ang tiyuhing kapatid sa ama't ina ng ama, ang tiyuhing kapatid sa ama ng ama, at ang kanilang mga anak na lalaki.

Ang pipiliin sa mga ito ay ang lalong malapit niyang mga kamag-anak.



Kailangang humingi muna ng kapahintulutan ang wali sa babae bago niya ito ipaasawa. Ang dahilan kung bakit kailangang may wali ang isang babae ay upang hadlangan gawing dahilan ang kasal para gumawa ng pangangalunya , sapagkat ang magagawa ng isang lalaking may balak mangalunya na sabihin sa babae na : "ipakasal mo ang iyong sarili sa akin ." at mapasang-ayon ang babae na magpakasal sa kanya nang walang wali. At ang kasal na ilegal na ito ay maaari pang saksihan ng dalawa sa kanyang kaibigan o ng ibang tao para magmukhang legal.



Hindi maaring maging wali ng isang babaeng Muslim kahit ama pa niya ito o isang malapit na

kamag-anak. Hangga't maaari , ang wali ng babaeng Muslim o naging Muslim ay ang lalaki niyang kamag-anak na nabanggit sa itaas. Kung wala ni isa mang Muslim sa mga ito , ang isang hukom na Muslim sa huku-man ng pamahalaan o ng Sharee`ah o ang isang institusyong pang-Islam ang siyang tatayong wali ng babaeng ito.



3. Ang dalawang lalaking saksi



Kailangang saksihan ng mga lalaking Muslim na makatarungan, dalawa o higit pa, ang pagdaraos ng kasal. Kailangan ang mga saksing ito ay mga taong mapagkakatiwalaan at umiiwas sa mga kasalanang mortal gaya ng pangangalunya , pag-inom ng alak , at iba pang mga kasalanang mortal.



4. Ang obligasyong magbigay ng mahr



Ang mainam sa mahr ay ang maliit na halaga at ang lalong maliit ay mas lalong mainam. Ang mahr ay tinatawag ding sadaq. Itinagubiling banggitin ang halaga o uri ng mahr sa pagdaraos ng kasal at ibigay kaagad sa sandaling iyon. Maaari ring ibigay ang mahr o ang nalalabing bahagi nito sa napagkasunduang panahon matapos na mairaos ang kasal. Kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , kukunin ng babae ang kalahati ng mahr. At kung sakali namang nama-tay ang lalaki bago may namagitang pagtatalik sa kanya at sa babae matapos mairaos ang kasal , may karapa-tan ang babae na magmana sa lalaking ito at ang buong mahr ay mapupunta sa kanya.

Ang Paraan ng Pagkakasal

Ang kasal sa Islam ay magaganap matapos na magkasundo ang lalaki at ang wali ng babae sa kondisyong sasang-ayon din ang babae. Lalong mainam kung gaganapin ang kasal sa ganitong paraan:



1. Ang paghiling ng lalaki sa wali babae na ito ay ipaasawa sa kanya.

2. Ang pagsang-ayon naman ng wali ng babae sa kahilingang ito.

3. Ang pagtanggap ng lalaki na aasawahin niya ang babae.

Sa pagdaos ng kasal , kailangan ito ay daluhan ng hindi bababa sa dalawang saksing lalaki. Matapos nito , ang lalaki't babae ay naging mag-asawa na sa mata ng batas ng Islam. (Ipinahihintulot na kumuha ang lalaki ng isang tao (lalaki) upang kumatawan sa kanya.)



Ang pagkuha ng marriage license ay para lamang upang kilalanin ng pamahalaan na ang kasal ay legal at tunay.

Ang ilang Resulta ng Pag-aasawa

1. Ang pagsusustento

Tungkulin ng asawang sustentuhan sa pagkain , pananamit , at tirahan ang kanyang maybahay , ayon sa kanyang kakayahang financial. Kaya kung nagmamaramot ang lalaki sa pagsusustento sa kanyang mayba-hay , siya ay nagkakasala at may karapatang kumuha ang kanyang maybahay ng sapat na halagang pantustos sa pangangailangan nito buhat sa kanyang ari-arian o salapi o hindi kaya'y mangutang at ang asawa ang siyang pagbabayarin. Tungkulin din ng lalaking gumastos para sa handa para sa mga inanyayahang dumalo sa kasalan. Ang paghahanda ay itinagubiling gawin sapagkat ginawa ito ng Propeta (SAS) at ipinag-utos niyang gawin ito.



2. Ang Pagmamana



Kapag nakasal nang tunay ang lalaki't babae , magkakaroon ng karapatan ang bawat isa sa kanila na magmana kapag namatay ang alinman sa kanila ayon sa sinabi ni Allah : "May karapatan kayo sa kalahati ng mga naiwan (na ari-arian) ng inyong mga maybahay kung wala silang anak ; subalit kung may naiwan silang anak , mapupunta sa inyo ang ika-apat na bahagi ng naiwan nila matapos ikaltas ang isang pamanang kanilang isinaad sa huling habilin o ang pambayad ng utang. At may karapatan sila (mga maybahay) sa ika-apat na bahagi ng mga naiwan (na ari-arian) ninyo kung wala kayong anak; subalit kung ma y naiwan kayong anak , mapupunta sa kanila ang ika-walong bahagi ng naiwan ninyo matapos ikaltas ang isang pamanang inyong isinaad sa huling habilin o ang pambayad ng utang ..." (4:12) Kaya nagtalik man sila o hindi , nagsama man sila o hindi ; magmamana pa rin sila sa isa't isa.

Mga Tagubilin at Kagandahang Asal Para sa Mag-asawa

1. Itinagubiling ipagbigay alam ang kasal (sa pamamagitan ng pagdaraos ng handaan pagkatapos ng kasal).

Itinagubilin ding ipanalangin ang bagong kasal at sabihin sa lalaki o sa babae : "Pagpaplain ka ni Allah at nawa'y pagsamahin niya kayo sa ginhawa."

2. Itinagubilin sa mag-asawa na sabihin ang panalanging ito sa tuwing bago magtatalik :

"Allahumma jannibnash shaytana wa jannibnish shaytana ma razaqna." (Ang kahulugan nito sa Tagalog ay: " O Allah , ilayo Mo po si Satanas sa amin at ilayo Mo po siya sa anak na ipagkakaloob Mo sa amin."



3. Kasuklam-suklam para sa mag-asawa na ipagsabi nila ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang pagtatalik



4. Ipinagbabawal (haram) sa lalaki na makipagtalik sa kanyang maybahay kung ito ay may regla o nifas at hanggang hindi ito nakapapaligo matapos magkaroon ng regla o nifas.



5. Ipinagbabawal na makipagtalik sa butas ng puwit ng babae sapagkat ito ay isa mga kasalanang mortal na ipinagbabawal ni Allah.



6. Hindi pinahihintulutang gumamit ng contraception ang babae kung walang kapahintulutan ng kanyang asawa, kung makasasama sa kanya, at kung hindi naman talagang kailangan. Hindi rin maaaring gamitin ang withdrawal method kung walang kapahintulutan ng maybahay at kung hindi naman talagang kailangan.

Ang mga Katangian ng Maybahay

Ang pag-aasawa ay may dalawang layunin : para sa ikasisiya ng mag-asawa at para sa pagbuo ng mabuting pamilya at malusog na lipunan. Alinsunod dito , ang babaeng nararapat asawahin ay ang babaeng makakatugon sa dalawang layuning ito. Ang babaeng ito ay nagtataglay ng panlabas at panloob na kaganda-han. Ang kagandahang panlabas ay ang kagandahan ng anyo. Ang kagandahang panloob naman ay ang kagan-dahan ng pagsunod niya sa kanyang pananampalataya at ang kagandahan ng kanyang asal. Kung makapag-aasawa ng ganitong babae na nagtataglay ng kagandahang panlabas at kagandahang panloob , ito ang tunay na kaganapan at kaligayahang kaloob ni Allah. Dapat ding maging masigasig ang babae sa pagpili ng mabuting lalaki at may takot sa Diyos.

Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa ng Isang Lalaki

May dalawang klase ng mga babaeng bawal maging asawa ng lalaki : ang mga babaeng ipinagbawal magpakailanman na maging asawa at ang mga babaeng ipinagbawal pansamantala na maging asawa.

I- May tatlong uri ang mga babaeng bawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman:

1) Ang mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa dugo (mga kamag-anak sa dugo). Sila ay pito at binanggit ni Allah sa Qur'an:

"Ipinagbawal sa inyo na asawahin ang inyong mga ina , ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang inyong mga tiyahin sa ama , ang inyong mga tiyahin sa ina , ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki , ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae..." (4:23)

A. Kabilang sa "mga ina" ang nanay at ang mga lola sa ama't ina.

B. Kabilang sa "mga anak na babae" ang mga anak na babae, ang mga anak na babae ng anak na lalaki , ang mga anak na babae ng anak na babae , at ang mga babaeng kaapu-apuhan nila.

C. Kabilang sa "mga kapatid na babae" ang mga kapatid na babae sa ama't ina , ang mga kapatid na babae sa ama , at ang mga kapatid na babae sa ina.

D. Kabilang sa "mga tiyahin sa ama" ang mga tiyahin sa ama , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang ama , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang mga lolo , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang ina , at ang mga tiyahin sa ama ng kanyang mga lola.

E. Kabilang sa "mga tiyahin sa ina" ang mga tiyahin sa ina , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang ama , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang mga lolo , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang ina , at ang mga tiyahin sa ina ng kanyang mga lola.

F. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na lalaki" ang mga anak na babae ng kanyang kapatid na lalaki sa ama't ina , ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama , ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ina , at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki't babae.

G. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na babae" ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama't ina , ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama , ang mga anak na babae ng kapatid sa ina at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki't babae.

2) Ang mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa gatas (kamag-anak sa gatas).

Sila ay katulad ng mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa dugo (kamag-anak sa dugo). Ang sabi ng Propeta (SAS):

"Ang kamag-anak sa gatas na ipinagbabawal asawahin ay katulad sa kamag-anak sa dugo na ipinagbabawal asawahin."

Subalit may mga kondisyon bago magkaroon ng mga kamag-anak sa gatas ang isang tao. Ang mga kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

A. Kinakailangang sumuso ang isang sanggol (babae man o lalaki) nang limang beses o higit pa sa isang babaeng hindi nito ina. Kaya kung sakaling sumuso nang apat na beses lamang o mababa pa ang isang sanggol , ang babaeng sinusuhan ay hindi magiging ina nito sa gatas.

B. Kinakailangang ang pagpapasuso ay bago magdalawang taon ang sanggol. Ang ibig sabihin nito'y kinakai-langang ang limang pagpapasuso ay bago magdalawang taon ang sanggol. Kaya kung ang limang beses na pagpapasuso ay pagkatapos magdalawang taong gulang ang bata o ang limang pagpapasuso ay sinimulan bago magdalawang taon at natapos matapos magdalawang taon, ang babaeng nagpasuso ay hindi magiging ina nito sa gatas.

Kaya kapag ang isang sanggol ay sumususo nang limang beses o higit pa bago siya nagdalawang taong gulang , ang babaeng nagpasuso sa kanya ay magiging ina niya ; ang asawa ng babae ay magiging ama niya ; ang mga anak nila ay magiging kapatid niya ; ang mga anak ng asawa ng babae sa ibang babae ay magiging kapatid din niya. Sa puntong ito, dapat malaman na ang mga kamag-anak sa dugo ng batang pinasu-so , maliban sa mga magiging anak ng batang ito , ay walang kaugnayan sa mga naging kamag-anak nito sa gatas.

3) Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa Dahil Naging mga Asawa ng mga Malapit na Kamag-anak.

A. Ang mga maybahay ng mga tatay at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae , kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang babaeng ito ay bawal nang maging asawa ng kanyang mga anak na lalaki, ng mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki't babae , at ng mga kaapu-apuhang lalaki nila.

B. Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang lalaki sa isang babae, kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang babaeng ito ay bawal nang maging asawa ng kanyang ama, ng kanyang mga lolo sa ama o sa ina , at ng kanyang mga kanunununuan.

C. Ang ina at mga lola sa ama o sa ina ng kanyang maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae , kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang ina at ang mga lola ng babaeng ito ay bawal nang maging asawa niya.

D. Ang mga anak na babae at ang mga apong babae ng anak na lalaki't babae ng maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakipagtalik siya rito , ang mga anak na babae at mga apong babae nito sa anak na lalaki't babae at mga apong babae nito sa anak na lalaki't babae , at mga kaapu-apuhang babae ng kanilang mga anak na lalaki't babae ay bawal nang maging asawa ng lalaking ito kahit na ang mga babaeng ito ay mga anak o inapo sa naunang asawa ng babaeng ito o sa naging asawa nito nang sila ay nagkahiwalay. Subalit kung nang nagkahiwalay sila nito ay walang pagtatalik na nangyari sa kanila , ang mga babae , mga apong babae , at mga kaapu-apuhang babae ng babaeng ito ay hindi bawal maging asawa ng lalaking ito.

II- Ang mga babaeng pansamantalang ipinagbawal na maging asawa

A. Ang kapatid na babae at tiyahin sa ama o sa ina ng maybahay hanggang hindi sila ipinaghiwalay ng kama-tayan o diborsiyo at natapos ang iddah nito.

B. Kapag ang babae ay nasa sandali ng iddah , pinagbabawalan ang sino mang lalaki na siya ay asawahin o mag-alok ng kasal sa kanya hanggang hindi natatapos ang iddah niya.

C. Ang babaeng nagsasagawa ng hajj o umrah. Hindi maaaring mag-alok ng kasal ang sinuman hanggang hindi niya natatapos ang pagsasagawa ng hajj o umrah.

Ang Diborsiyo



Kung tutuusin ang diborsiyo sa Islam ay isang kasuklam-suklam na bagay at ayon sa Hadith :

"Sa lahat ng ipinahintulot ang diborsiyo ang kasuklam-suklam kay Allah."

Subalit yaman din lamang na kung magkaminsan ang diborsiyo ay hindi maiiwasan bunga na rin ng kapinsalaang naidudulot sa babae sa pananatili niya sa piling ng lalaki o bunga na rin ng kapinsalaang dulot ng babae sa lalake o kung maging ano pa man ang layunin o dahilan , isang malaking kagandahang loob buhat kay Allah na Kanyang ipinahintulot ng diborsiyo sa Kanyang mga lingkod. Kaya kung kinasusuklaman ng lalaki ang kanyang maybahay at hindi na niya matiis na makapiling ito, walang masama kung diborsiyuhin niya ito subalit kailangang isaalang-alang niya ang mga sumusunod:

1) Na hindi niya didiborsiyuhin ang kanyang maybahay habang ito'y may regla. Kapag diniborsiyo niya habang ito ay may regla , sinuway niya si Allah at ang Sugo (SAS) at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Kaya sa sandaling iyon , kinakailangang balikan niya ang kanyang maybahay at panatilihin ito sa kanyang piling hanggang sa matapos ang regla nito at saka niya diborsiyuhin ito kung nais niya. Ngunit mas mainam na hayaan niya muna itong magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag natapos na ang regla nito ay nasa kanya na kung pananatilihin niya ito sa kanyang piling o diborsiyuhin ito kung nais niya rin ; at

2) Na hindi niya didiborsiyuhin ang kanyang maybahay sa panahong ito ay wala ngang regla ngunit nakipag- talik naman siya sa panahon ding ito hanggang hindi niya natitiyak na ito'y nagdadalang-tao o hanggang sa ito ay hindi nagkaroon muli ng regla at saka natapos ang reglang ito.

Ang Ilang Resulta ng Diborsiyo

Yaman din lamang na ang diborsiyo ay ang pakikipaghiwalay sa maybahay , ito ang ilan sa mga patakarang susundin bunga ng diborsiyong ito:

1) Tungkulin ng babaeng magsagawa ng iddah kung nagtalik man sila ng lalaki o nagsama nang walang pag-tatalik. Subalit kung nang diborsiyuhin ang babae ng kanyang asawa ay nang bago may namagitang pagtatalik sa kanilang mag-asawa o nagsama nang walang pagtatalik , hindi na kailangang magsagawa ng iddah ang babae. Ang iddah ay ang panahon na hindi maaaring mag-asawa ang isang babaeng diniborsiyo o namatayan ng asawa. Ang Iddah ng babaeng diniborsiyo ng kanyang asawa ay tatlong pagreregla kung nireregla pa ang babae at tatlong buwan kung hindi na nireregla o hindi pa nireregla ang babae. Ang iddah ng babaeng nama-tayan ay apat na buwan at sampung araw. Ngunit kapag ang babae ay diniborsiyo o namatayan ng asawa habang siya nagdadalang-tao , ang kanyang iddah ay natatapos pagkasilang niya ng sanggol. Ang dahilan kung bakit may iddah ay upang mabigyang pagkakataon ang mag-asawa na makapagbalikan at upang matiyak din kung buntis ang babae o hindi.

2) Bawal sa isang lalaki na muling asawahin ang dati niyang maybahay kung ito ay diniborsiyo na niya ng tatlong beses. Ang ibig sabihin nito'y kapag diniborsiyo niya ang babae sa unang pagkakataon at saka binali-kan ito sa panahon ng iddah o pinangasawa niya ito pagkatapos ng iddah at pagkatapos ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikalawang pagkakataon at saka binalikan sa panahon ng iddah o pinangasawa niya ito pag-katapos ng iddah at pagkatapos ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikatlong pagkakataon. Pagkatapos ng ikatlong diborsiyo ay hindi na niya muli pang maaasawa ang dati niyang maybahay hanggang hindi ito dini-borsiyo ng ibang lalaking nagpakasal dito nang tunay na kasal at nakipagtalik dito. Ang pagbabawal ni Allah na muling mapangasawa ng lalaki ang dati niyang maybahay na diniborsiyo niya nang tatlong beses ay bilang habag sa mga babaeng inaabuso ng kanilang mga asawa.

Ang Khula'

Ang Khula' ay ang paghingi ng diborsiyo ng babaeng umayaw sa kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbigay rito ng kabayaran upang ito ay sumang-ayon. Kung ang asawa ang siyang umayaw at gusto niyang hiwalayan ang kanyang maybahay , wala siyang karapatan na tumanggap ng anumang halaga buhat sa babae. Kailangang pagtiisan o diborsiyuhin na lamang niya ang kanyang maybahay. Hindi dapat na humingi ng khula' ang isang babae maliban na lamang kung siya ay nagdurusa sa piling ng kanyang asawa at hindi na niya matiis na manatili pa sa piling nito. Hindi naman pinahihintulutan ang lalaki na sadyang pagdusahin ang kanyang maybahay nang sa gayon ay humiling ito ng khula'. (Kapag nagap ang khula') makabubuting hindi kukuha ang lalaki sa babae ng halagang higit pa sa halaga ng ibinigay niyang mahr dito.

Ang Khiyar

Ang khiyar ay ang karapatan ng mag-asawa na panatilihin ang kanilang kasal o pawalang-bisa ito kapag may lumitaw na isang kadahilanan buhat sa maraming kadahilanan. Halimbawa'y kinakitaan ng asawa ang kanyang maybahay o kinakitaan ng maybahay ang kanyang asawa ng karamdaman o kapinsalaan sa kata-wan na hindi nilinaw sa lalaki o sa babae habang idinadaos ang kasal , kapag nagkaganito , ang una ay may karapatang magpasya kung pananatilihin ang kasal o pawalang-bisa ito.Naririto pa ang ilang mga halimbawa:

1) Kung kapwa sila baliw o dinapuan ng karamdaman na siyang dahilan kung bakit hindi matamo nang lubu-san ng isa sa kanila ang karapatan niya bilang asawa o maybahay. Ang hindi baliw o ang walang karamdaman ay may karapatang humiling na pawalang-bisa ang kasal. Kung ito ay naganap bago nagkaroon ng pagtatalik, may karapatan ang lalaking bawiin ang mahr na ibinigay niya sa babae.Kung ito ay nangyari matapos magka-roon ng pagtatalik , hindi na mababawi ang mahr. Ayon naman sa ibang pantas ng Islam , babawiin ng lalaki ang katumbas na halaga ng mahr sa taong nakaalam sa kasiraan ng babae ngunit ang tao pang ito ang siyang nanlinlang sa kanya.

2) Ang kawalang-kakayahan ng lalaki na magbayad ng mahr. May karapatan ang babaeng humiling na pawa-lang-bisa ang kasal kung bago nagkaroon ng pagtatalik sa pagitan nila ng lalaki. Subalit kung may namagitan nang pagtatalik sa kanilang dalawa , wala na siyang karapatang hilingin iyon. (Maaari siyang humiling ng khula' kung nais pa rin niyang makipaghiwalay sa kanyang asawa nabigo itong magbigay ng mahr.)

3) Ang kawalang-kakayahang sumustento para sa pangangailangan. Kung nawalan ng kakayahan ang isang lalaki na sumustento sa pangangailangan ng kanyang maybahay , ang kanyang maybahay ay maghihintay ng ilang panahon hanggang kaya nito at pagkatapos nito ay may karapatan na ang maybahay na humiling na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukuman.

4) Kapag nawala ang asawa at hindi malaman ang kanyang kinaroroonan at hindi siya nag-iwan ng pangsus-tento sa pangangailangan ng kanyang maybahay ni nagbilin sa isang tao upang ito ang sumustento sa panga-ngailangan ng kanyang maybahay (habang wala siya) at wala ring sinumang gumugugol para sa kanyang maybahay at wala rin itong maipanggugugol para sa sarili na masisingil naman nito sa kanya (sa pagbalik niya), kapag ganito ang kalagayan ay maaari nang humiling ang babae na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukom ng Shari'a Court.

Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim

Ipinagbabawal (haram) para sa lalaking Muslim na mag-asawa ng babaeng hindi Muslim na hindi rin Kristiyano o Hudyo. Hindi rin pinahihintulutan ang isang babaeng Muslim na mag-asawa ng isang lalaking hindi Muslim maging ito man ay isang Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang pananampala-tayang kinaaaniban nito.

Hindi ipinahihintulot sa isang babae na naging Muslim na makipagtalik sa kanyang asawang hindi

Muslim. Narito ang ilang mga patakaran hinggil sa kasal ng mga hindi Muslim:

1) Kung ang mag-asawa ay sabay na pumasok sa Islam , ang kanilang kasal ay tanggap maging iyon man ay kasal sa simbahan o sa huwes hangga't walang hadlang na alinsunod sa batas ng Islam upang sila'y magsama.

Halimbawa ng hadlang sa kanilang pagsasama ay kung ang babae ay ipinagbabawal na maging asawa ng lalaki

2) Kung pumasok sa Islam ang asawa ng isang babaeng Kristiyano o Hudyo , ang kanilang kasal ay tanggap maging iyon man ay kasal sa simbahan o huwes;

3) Kung pumasok sa Islam ang isa sa mag-asawang kapwa hindi Kristiyano o Hudyo , nawalan na ng saysay ang kanilang kasal;

4) Kung pumasok sa Islam ang maybahay ng lalaking hindi Muslim na hindi rin Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang kinaaanibang relihiyon nito , nawalan na ng saysay ang kanilang kasal sapagkat ang babaeng Muslim o naging Muslim ay hindi ipinahihintulot na maging maybahay ng lalaking hindi Muslim;

5) Kung pumasok sa Islam ang maybahay ng isang lalaking hindi Muslim matapos na may namagitang pag-tatalik sa kanila , magsasagawa ng iddah ang babae at mapapagpasyahan ang kahihinatnan ng kanilang kasal pagkatapos ng iddah. Mawawalan ng saysay ang kanilang kasal kung hindi pumasok sa Islam ang lalaki pag-katapos ng iddah at may karapatan na ang babae na magpakasal sa kanino mang lalaking Muslim na naisin niya; ngunit kung nanaisin naman na babae na hintaying pumasok sa Islam ang lalaki ay maaari rin. Kung pumasok naman sa Islam ang lalaki (bago natapos ang iddah ng babae) , ang babae ay mananatiling mayba-hay niya at hindi na kailangan ng panibagong kasal; at

6) Kung pumasok sa Islam ang lalaki at babaeng magka-live-in o kahit ang lalaki lang sa dalawang ito kaila-ngan nilang magpakasal ng kasal ng Islam kung nais pa nilang magsama. Ang mga naging anak nila , bago pumasok sa Islam , ay itinuturing na mga lehitimong anak.

7) Kung tumalikod sa Islam ang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , ang kanilang kasal ay wala ng saysay at wala siyang tatanggaping mahr; ngunit kung ang asawa ang siyang tumalikod sa Islam , mawawalan din ng saysay ang kanilang kasal at kailangan pang magbigay ang lalaki sa babae ng katumbas sa kalahati ng mah r na kanilang napagkasunduan. Kung muling manumbalik sa Islam ang isa man sa kanila , hindi na nila kailangan ang panibagong kasal kung walang namagitang diborsiyo sa kanilang dalawa.

Ang Pag-aasawa ng Kristiyano o Hudyo

Nang ipinahintulot ni Allah ang pag-aasawa , ang nilalayon Niya roon ay ang pabutihin ang kaasalan , linisin ang lipunan sa mga bisyo, pangalagaan ang moralidad, itatag ang isang dalisay na siste- mang islamiko para sa lipunan , at palitawin ang isang sambayanang Muslim na sumasaksi na walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah. Hindi maisasakatuparan ang mga mithiing ito kung hindi mapangangasawa ang isang matuwid na babaeng Muslim na relihiyosa , marangal at nagtataglay ng mabuting kaasalan. Tungkol naman sa maaring mga maging bunga at mga masamang maidudulot ng pag-aasawa ng isang lalaking Muslim sa babaeng Kristiyano o Hudyo, narito ang ating maikling paglalahad nito:

1. Sa loob ng pamilya: Sa loob ng maliit na pamilya , kung ang asawa ay may malakas na personalidad , ito ay maaaring magkaroon ng impluwensiya sa kanyang maybahay. Ang pinakamalamang na palagay ay mahihikayat ang maybahay sa Islam ngunit maaari ring mangyari ang kabaligtaran. Sapagkat maaaring ang maybahay ay nagungunyapit sa kanyang pananampalataya at ginagawa ang inaakala niyang ipinahihintulot ng kanyang relihiyon gaya ng pag-inom ng alak , pagkain ng baboy , at paggawa ng bagay na ipinagbabawal ng Islam. Sa pamamagitan nito ay nawawasak at nasisira ang isang pamilyang Muslim at lalaki ang mga bata sa paraang salungat sa Islam. Maaari ring mas masahol pa rito ang mangyari kung sadyaing isama ng pana-tiko at nagmamatigas na maybahay ang kanyang mga anak sa asawang Muslim sa simbahan , ipakita sa kanila ang mga pagsambang Kristiyano , at pahalagahan naman nila iyon. Ang kinalakihan ay kinasasanayan.

2. Ang mga epekto sa lipunang Muslim: Ang pagdami ng mga asawang Kristiyano sa loob ng lipunang Muslim ay isang mapanganib na bagay. Ang panganib nito ay dala ng panghihina ng sambayanang Muslim kaalinsabay ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga bansang Kristiyano. Ang mga babaeng ito sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing mga sugo ng mapanganib na pananakop pangkaisipan sa loob ng samba-yanang Muslim na magbubunga ng pagkasira at pagwawasak nito. Kabilang din sa panganib na kanilang dala ang mga ginagawa nilang kaugaliang Kristiyano na pinangungunahan ng paghahalubilo ng mga kalalakihan at mga kababaihan kalakip na rito ang mga halos hubad na kasuotan at mga gawaing salungat sa mga katuruan ng Islam.

Bakit Kailangan ang Diborsiyo

Ang Diborsiyo Bilang Solusyon

Ang diborsiyo sa Islam ay ginawa bilang panghuling solusyon upang wakasan ang mga alitan ng mag-asawa kapag naghari na ang mga di-pagkakasundo sa kanila , naging madalas na ang pag-aaway , nanla-mig na sila sa isa't-isa , at nawala na ang pag-asang sila ay magkasundo anupa't nawalan na ng halaga at kabuluhan ang relasyon nila bilang mag-asaawa. Kapag nagkagayon , ang diborsiyo ay magsisilbing magin- hawang lunas para sa kanilang dalawa. Bagaman binigyan ng Islam ng pagkakataon ang bawat isa sa mag-asawa na maghiwalay , ito naman ang tagubilin ni Allah :"Magtalaga kayo ng isang tagahatol buhat sa pamily a ng lalaki at isang tagahatol buhat sa pamilya ng babae. Kung kapwa nila nais na muling magkasundo , pagkakasunduin silang dalawa ni Allah."

Bago Mag-asawa at Pagpili ng Asawa

Ipinag-uutos ng Islam sa mga nag-iisip na mag-asawa na gawin nila ang abot ng kanilang makakaya na gawing maligaya ang kanilang buhay. Hinihimok silang pagbutihin ang pagpili ng mapapangasawa , na dapat ito ay isang mabuting babae at mapagmahal. Sisikapin din ng nagnanais na mag-asawa na tingnan ang babae nang sa gayon ay hindi sila manibago sa isa't isa. Hinihimok din ang magulang o tumatayong magulang ng babae na pilian siya ng isang lalaking tapat sa Islam , magandang makitungo at may mabuting ugali. Ang sabi ng Sugo (SAS):

"Kapag nagsadya sa inyo ang isang lalaking ikinasisiya ninyo ang kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin sa Islam (upang hingin ang kamay ng inyong anak na babae), ipaasawa ninyo (ang inyong anak) sa kanya. At hindi ninyo gagawin iyon, magkakaroon ng tukso sa lupa at malaking katiwalian."

Hinihimok ng Islam ang mag-aasawa na maging matiisin. Pinapaalala ng Islam ang isang mahala-gang bagay na ang pagkayamot sa maybahay ay hindi dapat ang siyang maging dahilan upang hiwalayan ng lalaki ang kanyang maybahay. Sa halip dapat pang palawakin ng isang Muslim ang kanyang pang-unawa nang sa gayon ay makapagtayo sila ng isang tahanang pinaghaharian ng habag. Wika nga ng Sugo (SAS):

"Hindi dapa t kasuklaman ng isang mananampalataya ang sumamampalatayang maybahay na sapagkat kung may kinayayamutan man siya sa ugali nito, masisiyahan naman siya sa iba (nitong ugali)."

Ang Diborsiyo sa Kamay ng Lalaki

Inilagay ng Islam ang diborsiyo sa kamay ng lalaki. Tama at angkop lamang ito dahil tungkulin niyang gumastos para sa kanyang maybahay at tahanan. Siya ang nagbibigay ng mahr at mga gastusin sa kasal kaya't dahil dito , siya ang papasan ng kapinsalaan , finanacially ang morally, kapag sinuong niya ang diborsiyo. Ang lalake ay karaniwang mas may malawak na pananaw sa maaaring kahihinatnan at mas mahi-nahon sa sandali ng galit at pagsiklab ng damdamin. Dahil dito , hindi niya pangangahasan ang diborsiyo liban na lamang kung nawalan na siya ng pag-asang maging maligaya sa piling ng kanyang maybahay at bagaman nalalaman niya ang kinakailangang gastusin sa muli niyang pag-aasawa. Kung sakaling ilalagay ang diborsiyo sa kamay ng babae , guguho ang buhay ng mag-asawa at mawawasak ang pamilya. Ito ay dahilan sa ang babae ay may maselang damdamin , madaling mayamot , at madaling matangay ng galit anupa't mas mabilis siyang maghamon ng hiwalayan kaysa lalaki. Wala siyang gaanong sukat na ikababahala sapagkat wala namang kapinsalaang financial sa panig niya. Ang patakaran sa kasunduan ng pag-aasawa ay sasang-ayon ang lalaki at babae na sila ay maging mag-asawa at papayag ang babae na ang karapatan ng diborsiyo ay nasa lalaki alinsunod sa mga limitasyong itinakda ng Islam. Kaya kung isasagawa man ng lalaki ang karapa-tan niyang magdiborsiyo , isinasagawa niya lamang ang karapatang kaloob sa kanya ni Allah.

Maaring abusuhin ng isang lalaking Muslim ang paggamit ng karapatan sa diborsiyo anupa't isasa-gawa niya ito upang magpakaligaya lamang sa isang bagong babae. Subalit walang gumagawa ng ganito kundi ang taong may masamang kalooban at may mahinang pananampalataya. Kaya hindi makatuwirang hilinging pawalang-bisa ang isang mabuting sistema dahil lamang sa ilang abang kaluluwa na inaabuso ang paggamit nito.

Ang Karapatan ng Babaeng Humingi ng Diborsiyo

Ang isang babae ay hindi na napasasailalim sa awa ng lalaki na siyang nagmamay-ari ng karapatang magdiborsiyo dahil binuksan ng Islam ang mga pinto para mapasok niya ang maginhawang buhay. At para naman sa isang miserable at kapus-palad na babaeng may malupit at masamang asawa , binigyan naman siya ng karapatang humingi ng diborsiyo kapag naramdaman niyang mahirap nang magpatuloy ang kanilang buhay-mag-asawa at ikasisiya niyang hiwalayan ang kanyang asawa nang may pagsang-ayon nito at pagsang-ayon niya. Kailangan lamang magbigay ang babae sa lalaki ng kabayarang panumbas sa mga kapinsalaan sanhi ng diborsiyo. Ito ay sa pamamagitan ng khula' (na atin nang nabanggit). Binuksan din sa kanya ang daang upang hilingin sa hukuman na magbaba ng hatol na naghihiwalay sa kanya at sa kanyang asawa kapag dumating na ang puntong hindi na niya matiis mabuhay sa piling nito.

Kinasusuklaman sa Islam ang Didorsiyo

Kinasusuklaman ng Islam ang diborsiyo. Sabi nga ni Propeta Muhammad (SAS): "Inilagay ni

Satanas ang kanyang trono sa ibabaw ng tubig at pagkatapos ay isinusugo niya ang kanyang mga kampon (para maghasik ng kasamaan sa mga tao). Gagawin niyang malapit sa kanya ang sinuman sa kanila na may malaking kapinsalaang nagawa. Kapag may dumating na isa sa mga kampon nito at ang sasabihin ay: 'Ganito at ganoon ang aking nagawa ,' Ang sasabihni ni Satanas dito ay:'Wala kang nagawa.' At kapag may dumating na isa pa sa mga kampon niya at ang sasabihin nito ay: 'Hindi ko siya (ang asawa) nilubayan hanggang hindi ko sila napaghiwalay ng kanyang maybahay.'

Palalapitin ito ni Satanas at yayakapin at sasabihing: 'Oo , ikaw nga,'" Ipinatupad ng Sugo (SAS) ang diborsiyo hindi upang mag-anyayang paglaruan ang mga limitasyong itinakda ni Allah. Sabi nga niya (SAS):

"Bakit kaya may mga taong pinaglalaruan ang mga limitasyong itinakda ni Allah anupa't ang sina-sabi ng isa sa kanila (sa kanyang maybahay): 'Hiniwalayan na kita.' Pagkatapos nito ay binalikan niya at saka muling hiniwalayan."

Ang Polygyny

Ang Polygyny sa mga Sinaunang Kabihasnan

Ang polygyny ay lumitaw na halos kasabay ng sangkatauhan. Umiiral na ito noon sa mga sina-unang batas at mga sinaunang lipunan ng tao anupa't ginagawa rin ito ng mga Hudyo at Kristiyano na tulad ng mga Griego , Chino , taga-Babilonia , taga-Assyria , Taga-India at pati na rin ang mga Arabiano bago pa man isinilang ang huling Propeta ng Islam na si Muhammad (SAS). May dalawang katangian ang polygyny noong unang panahon: walang limitasyon ang bilang ng asawa at napasasailalim ang babae sa inhustisya. Inalis ng Islam ang inhustisyang ginagawa noon sa babae at nilimitahan ang polygyny hanggang sa apat na maybahay.

Ang Takot kay Allah

Ang takot kay Allah na siyang pinakadakilang ugnayang maaaring maibatay at maituwid ang buhay ang siyang pinagbabatayan ng Islam sa relasyon ng tao kay Allah. Naikintal sa isipan ng isang tunay na Muslim na siya ay nakikita at binabantayan ni Allah sa bawat sandali at ang kanyang mga gawa , masama man o mabuti , ay itinatala at sa araw ng pagkabuhay na muli siya ay gagantimpalaan ayon sa kanyang mga nagawa. Ang ganitong sistema ng edukasyon ay ang kahanga-hangang sistema na nalaman ng sangkatauhan.

Ang babae sa kanyang tahanan , kapag nag-iisa at walang nagmamasid sa kanya , ay maaaring maka-gawa ng hindi mabuti kapag siya ay nakadama ng pangangailangang seksuwal habang wala ang kanyang asawa. Ngunit ang pag-alaala lamang kay Allah ay sapat na upang siya ay manginig sa takot at mangamba.

Habang ginagampanan ng isang tunay na Muslim ang kanyang mga gawain at pinakikitunguhan ang mga taong nakapaligid sa kanya , kabilang na roon ang kanyang asawa o mga asawa ,at pinangangasiwaan ang kanyang pamamahay , nadarama niyang si Allah ay nagmamasid sa kanya. Kaya siya ay natatakot kapag inudyukan siya ng kanyang sarili na lumihis o lumayo sa landas ng katuwiran at lumabas sa timbangan ng katarungan.

Ang Katarungan sa mga Asawa

Nang ipinahintulot ng Islam ang polygyny , gumawa naman ito ng mahigpit na kondisyon. Ang kondisyong ito ay tungkol sa isyu ng katarungan sa mga asawa. Pinaaalalahanan ng Islam ang isang Muslim na mag-isip-isip muna nang matagal bago maglakas-loob na pasukin ang polygyny. Ang sabi nga ni Allah sa banal na Qur'an :

"Mag-asawa kayo ng mga babaeng kinalulugdan ninyo; dalawa o tatlo o apat. Subalit kung kayo ay nangangababang hindi magiging makatarungan , isa na lamang."

Sa puntong ito ay susuriin ng isang Muslim ang kanyang isipan , emosyon , damdamin at saka ang bahaging financial. Tatanungin niya ang kanyang sarili kung kaya ba niyang gampanan ang hinihiling na katarungan alinsunod sa mga pagsusuring iyon. Kung nadarama niyang may kahinaan ang kanyang sarili , nararapat na ang silakbo ng init ng kanyang katawan ay hindi manaig sa kahinahunan ng isipan sapgkat ang init ng katawan ay panandaliang kaligayahan lamang at ang pagiging di-makatarungan sa mga asawa ay kasalanang pananagu-tan sa kabilang buhay

Ang usapin ng katarungan ay isang masalimuot at mahirap na isyu sapagkat maaaring manaig ang emosyon at ang isipan ay maging sunod-sunuran na lamang dito. Ang tao ay likas na mahina. Kaya sa punong ito ay inilagay ng Islam ang makatotohanang limitasyon.

Bagaman inoobliga ang isang Muslim na maging makatarungan kapag mayroon siyang higit sa isang asawa at ito ay ginagawang kondisyon sa polygyny, hindi naman siya pananagutin sa mga bagay na hindi niya kayang kontrolin tulad halimbawa ng pagmamahal (sa isang asawa na mas matimbang kaysa sa iba) o ano mang may kaugnayan dito. Ngunit kaalinsabay nito , siya ay inoobligang maging mulat upang hindi matisod ang kanyang paa.

Mga Bagay naNagbubunsod sa Polygyny

May mga pangangailangang nagbubunsod sa polygyny. At ang mga pangangailangang ito ay maaa-ring personal tulad halimbawa ng isang lalaking may asawang baog o may karamdaman o matigas ang ulo o mahabang magregla o ang isang babae ay hindi sapat upang punan ang kanyang pangangailangang seksuwal. Maitatanong natin ano kaya ang mabuti sa maybahay na ito , ang siya'y manatili sa piling ng kanyang asawa at ito nama'y mag-asawa ng iba pa o hiwalayan na lamang siya ?

Ang polygyny ay maaari ring para sa kagalinagan ng isang bansa. Tulad halimbawa ng sobrang pagdami ng mga babae sa sanhi ng mga digmaang kumikitil sa maraming buhay ng mga lalake. Ang dig-maang pandaigdigan ay nag-iwan ng 25 milyong balo sa Europa. Mas mainam kayang magpakasakit ang mga babaeng ito at mapilitang maghanap ng kanilang ikabubuhay at magpakahirap habang namumuhay nang miserable , nagdurusa at aba o mas mabuting maging ikalawa o ikatlong asawa ng mga lalaking manganga-laga sa kanila ?

Mayroon ding mga pangangailangan sa panig ng mga kababaihan mismo na nagbubunsod sa polygyny. Mapupuna na tuloy-tuloy ang paghihigpit ng bilang ng mga babae sa bilang ng mga lalake sa maraming mga lipunan. Kaya sa pamamagitan ng pagtutuos ay matatanto nating upang mapangalagaan natin ang karangalan at kalinisan ng babae ang polygyny ay kailangan.

Samantalang patuloy pa rin ang mga bansang kanluranin sa pagpula sa polygyny at pagtuya sa mga philosopher doon na ipinagbubunyi ang polygyny at nanawagang ipatupad ito upang malunasan ang pighati na dumapo sa babae at ang kadustaang sumapit sa kanya. Nalathala sa pahayagang "Lagos Weekly Record" mula sa panulat ng isang babaeng manunulat ang artikulong ito.

"Dumarami na ang mga babaeng ligaw sa ating mga kabataang babae at lumaganap na ang kalamidad na ito ngunit kakaunti lamang ang mga tumutuklas sa mga kadahilanan nito. Bilang isang babae , nakikita ko ang aking sariling nakatingin sa mga kabataang babaeng yaon habang ang aking puso ay nadudurog sa lung-kot at habag sa kanila. At ano ang mahihita ng mga kabataang ito sa aking lungkot , pighati , panaghoy , at hinagpis at kahit na makiramay man sa akin ang lahat ng mga tao? Wala pa ring mapapala maliban na lamang kung kikilos upang pigilin ang karumal-dumal na sitwasyong ito."

Ang Polygyny at ang mga Pantas

Anong galing ng isang pantas sapagkat nakita niya ang sakit at nagmungkahi ng lunas na siyang lubusang makapagpapagaling dito. Ang lunas , wika niya , ay "Pahintulutan ang lalaking mag-asawa ng higit sa isa. At sa pamamagitan nito ay maglalaho ang kalamidad at ang ating mga anak na babae ay magiging mga reyna ng tahanan."

Ang sabi pa nga ng bantog na Alemang philosopher na si Schopenhauer sa kanyang aklat (Isang Kataga Tungkol sa Kababaihan): "Ang babaeng buhat sa mga bansang ipinahihintulot ang polygyny ay hindi nawawalan ng asawang kakalinga sa kanya samantalang ang mga babaeng may asawa dito sa atin (Alemanya) ay kakaunti at ang walang asawa ay hindi mabilang. Makikita mong wala silang tagakalinga. May mga babaeng buhat sa mataas na antas ng lipunan na tumandang dalaga nang tuliro at nagdurusa. At may mga mahihinang nilalang buhat sa mababang antas ng lipunan na nagdaranas ng mga hirap at nagtitiis ng mabibi-gat na mga gawain. At baka magbili pa sila ng aliw at mamuhay nang miserable , nakalubog sa kahihiyan at kadustaan. Sa lungsod lamang ng London ay may walong libong mga kalapating mababa ang lipad. (Ito ay noong kapanahunan ni Schopenhauer (1788-1860) kaya papaano na lamang ngayon ! Ibinuhos ang dugo ng kanilang karangalan sa altar bilang biktima ng sistemang nililitahan sa isa ang pag-aasawa at bunga na rin ng pagmamatigas ng babaeng taga-Europa at ang mga walang kabuluhang pinagsasabi nito."

Ang Pagdami ng Babae

Noong nilipol ng digmaan ang mga kabataan ng Alemanya na pinamumunuan noon ni Hitler , dala ng masidhing pangangailangan ay napag-isipan ni Hitler na gumawa ng hakbang na magpupuno sa teribleng kakulangan ng mga kalalakihan na yumanig sa buhay ng kanyang bansa anupa't wala na siyang mapagpipilian kundi ang gumawa ng batas na magpapahintulot sa polygyny. Nalathala sa pahayagang Al-Ahram (isang bantog na pahayagan sa Egipto) na may petsang Disyembre 13 , 1960 na "May natuklasang dokumentong sulat-kamay ni Martin Burman na kanang kamay ni Hitler , na sinulat noong taong 1944. Ang sabi niya: 'Pinag- iisipan nang mabuti ni Hitler na pahintulutan ang lalakeng Aleman na mag-asawa nang legal ng dalawa upang magarantiyahan ang hinaharap ng lakas ng sambayanang Aleman.'"

Napuna ng ilang mga taga-kanluran na ang pagiging marami ng mga babae at ang pananatili nilang walang asawa kalinsabay ng mga babae at ang pananatili nilang walang asawa kaalinsabay ng pakikihalubilo nila sa mga lalake sa mga pinagtatrabahuhan ay isang malaking panganib na lumitaw ang mga resulta sa immoralidad at pagkalansag ng mag-anak na lumaganap sa mga bansang kanluranin. Ito ay nagsisilbing isang panganib na nagbabanta ng pagbagsak ng sibilisasyong iyon. Pati na ang babaeng taga-Europa , matapos na magtiis sa pagiging hampaslupa at pasanin ang hindi maangkop sa kanyang kalikasan,ay nakatikim pa siya ng mga kapighatiang nagbunsod upang maging isa pa sa mga nananawagan sa polygyny. May demonstrasyong ginawa ang mga kababaihan sa Alemanya pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdigan noong 1945. Hiniling ng mga kababaihan sa demonstrasyong ito na gumawa ng batas na magpapahintulot sa isang lalake na magkaroon ng maraming asawa nang sa gayon ay mapangalagaan ang babaeng Aleman sa prostitusyon.

Ang Polygyny at ang Babae

Ang lipunan sa ngayon ay puno ng mga babaeng walang asawa na lumampas na ang edad sa edad ng pag-aasawa. Ang marami sa kanila ay nagdurusa at binabalot ng kalungkutan habang tumatakbo ang oras at walang lumalapit sa kanila upang hingin ang kanilang kamay. Bagaman may mga babaeng inuulit-ulit ang sinasabi ng ibang diumano'y kasamaan ng polygyny , sa kaibuturan ng kanilang puso ay pinananabikan nila ang pag-aasawa yamang ito ay isang mahigpit at likas na pangangailangan. May maraming babae na nag-aasam na magkaroon ng asawa kahit pa sila'y maging ikalawa o ikatlo o ikaapat na lamang upang matugunan ang kanilang likas na pangangailangang magkaroon ng anak at asawa. Natatakot silang mapag-iwanan ng panahon na hindi natutugunan ang gayong pangangailangan. Kung ating pag-iisipan lamang nang matagal ang bagay na ito , makikita natin ang peligrong maaaring ibunga ng pagdami ng babae at ng hindi nila pagkaka-roon ng mga asawa. Ito ay isang peligrong walang nakaaalam kung gaaano ito kalaki kundi si Allah lamang.

Tunay nga ang polygyny ang pinakamainam na paraan sa pagpawi nitong nakatatakot na peligro. Anong ganda ang sinabi ni Albahi Alkhuli sa kanyang aklat (Ang babae sa Tahanan at Lipunan):

"Ang pagbaba ng bilang ng kalalakihan kung ihahambing sa bilang ng kababaihan ay magbubunga ng suliranin para sa mga kababaihang walang asawa. Kaya kung ang bawat lalaki ay magkakasya na lamang sa isang babae , ano ang gagawin sa mga natitirang babae? Maaari silang maghanapbuhay kung hindi sila kayang suportahan ng lipunan. Subalit sa panig ng mga kababaihan ang krisis ay hindi ang krisis lamang sa pagkain at inumin kundi krisis na sanhi ng pagkauhaw na dulot ng pangangailangang seksuwal na kailanman ay hindi maaaring ipagpawalang-bahala o tiisin !!!"

Ang mga Nagnanais Ipagbawal ang Polygyny

Ang mga lalaki't babae sa atin na nananawagan sa pagbabawal ng polygyny ay nalalaman nang maigi ang kalagayang ito. Nalalaman nilang tinangka na ng Europa na lutasin ito sa pamamagitan ng pagwa-walang-bahala sa pangangalunya at pagbibibay-luwag sa nagnanais mangalunya. Tinangka nilang lutasin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa mga napulot na itinapong mga batang anak sa labas na siyang pumupuno sa mga ospital at mga bahay-ampunan. Nalalaman nila ang lahat ng ito ngunit patuloy pa rin sila sa panawagan nilang ipagbawal ang polygyny. Wari bagang "Ang legal na pag-aasawa para sa kanila ay mas mahalay pa kaysa pangangalunya , at wari bagang ang lihitimong anak para sa kanila ay mababa ang karangalan kaysa batang napulot lamang sa lansangan. Sa puntong ito ay nagiging malinaw na para sa atin ang tunay na kulay ng kahihinatnang ibig nila para sa atin sa pamamagitan ng mga nakalalasong mga propagandang iyon.

Ang Mga Mahahalagang Aralin Para Sa Muslim Ummah

Written by:

Sheik Abdul Aziz Bin Abdul Bin Baz

Reviewed and Edited by Saleh As-Saleh

translated into English By khalid A. Al Awadh



Translated into Tagalog by Ahmad Jibril Salas

Islamic Studies, Call and Guidance of the

Philippines



PANINIMULA



Lahat ng Papuri ay nauukol lamang kay Allah , pinupuri natin Siya hinihingan ng tulong at kapatawaran. Tayo ay nagpapakupkop kay Allah , Ang Kataas-taasan , mula sa kasamaan ng ating sarili at mula sa ating masamang gawa. Sinuman ang pinatnubayan ng Allah , walang sinumang ang makapagliligaw sa kanya ; at sinumang ang hindi pinatnubayan ng Allah , walang sinuman ang makapagbibigay patnubay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na nararapat sambahin maliban sa Allah lamang . Sumaksi rin ako na si Muhammad ay kanyang Alipin at Sugo.Nawa'y ipagkaloob ng Allah ang Kanyang kapayapaan at pagpapala sa kanyang Huling Propetang si Muhammad , sa kanyang mabuting angkan at sa kanyang mga matutuwid na Kasamahan (Sahaba).

"O mga sumampalataya , matatakot kayo kay Allah (sa pamamagitan ng pagsunod sa kan- yang ipinagbabawal) katulad ng pagkatakot na nararapat sa kanya; at huwag mamatay maliban sa kalagkyang Islam (bilang Muslim na ganap na sumusuko sa kalooban ng Allah)." (Qur'an 3:102)

"O sangkatauhan, matakot kayo sa inyong Panginoon (Allah) na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at mula rito (Adan) , Kanyang nilikha ang asawa nito; at mula sa dalawang ito (Adan at Eba) , Nilikha niya ang maraming lalaki at babae. At matakot kayo kay Allah na siyang hinihingan ninyo [ ng karapatan ng isa't isa ] at [ huwag putulin ang ugnayan ng ] sinapupunan (kamag-anakan) ; tunay na si puklin ang ugnayan ng] sinapupunan (kamag-anakan);tunay na si Allah ang laging nakamasid sa inyo." (Qur'an 4:1)

"O sangkatauhan, matakot kayo kay Allah at sabihin (tuwina) ang katotohanan. Papatnu- bayan Niya kayo sa mga mabubuting gawa at patawarin Niya kayo sa inyong mga kasalanan . At ang sinumang sumunod kay Allah at sa kanyang Sugo, tunay na kanya nang natamo ang dakilang tagumpay. (Qur'an 33:70-71)

Alamin, na ang pinakamakatotohanang salita ay ang Aklat ng Allah (Ang Banal na Qur'an) at ang pinaka mabuting patnubay ay ang patnubay ni Muhammad (sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan). Ang pinakamasama sa lahat ay ang mga gawa-gawa (na lihis sa tunay na aral ng Islam) at ang bawat gawa-gawa (na mga bagay tungkol sa relihiyon) ay bid'ah at ang bawat bid'ah ay pagkakaligaw at ang bawat pagka kaligaw ay Impyerno ang hantungan.

Ito ay isang panimulang aklat para sa bawat Muslim. Ito ang buod ng pangunahing paniniwala at mga gawang pagsamba. Tayo ay dumalangin sa Allah sa pamamagitan ng Kanyang mga Banal na Pangalan at Katangian na nawa'y tanggapin ang munting gawaing ito para sa kabutihan ng mga bumabasa at nagpapa-laganap nito.



Khalid Al Awadh at Dr. Saleh As-saleh.

24/2/1413 = 8/12/1993





Mga Daglat na ginagamit:

SAS: Sallahu Alayhi was Salam (Sumakanya Nawa ang Pagpapala at Kapayapaan ni Allah)

SW: Subhanahu Wa Ta'ala ( Luwalhati sa Kanya , ang kataas-taasan)

AS: Alayhis Salam (Sumakanya ang Kapayapaan)

RA: Radiyallahu Anhu [o Anha] (Malugod sa Kanya si Allah)

Hadith: Mga Salita , Gawa at Aral ni Propeta Muhammad (SAS).

Ang mga Hadith ay tinipon ng mga kinikilalang iskolar katulad nina Al-Bukhari , Muslim , Ahmad , An-Nasaa'ee , At-Tirmidhi , Abu Dawud , Ibn Majah at iba pa.

UNANG ARALIN

Ang pagsasaulo ng panimulang surah (kabanata) ng Banal na Qur'an ,ang Al-Fatiha , at ng ilang maiikling talata at surah mula sa surah bilang 99 (Az-Zalzalah) hanggang sa sura bilang 114 (An-

Naas). Ang bawat Muslim ay nararapat na magsikap na maisaulo, mabigkas at mauunawaan ang mga talata o surah mula sa Banal na Qur'an.

IKALAWANG ARALIN

Ang pag-unawa ng kahulugan at mga kondisyon ng pagpapahayag ng Ash-shahadatan na: walang ibang tunay na diyos maliban kay Allah at si Muhammad (SAK) ay Sugo ni Allah. Ang pariralang "walang ibang tunay na diyos" ay nagsasaad ng ganap na pagtalikod sa sinuman at anuman bagay na sinasamba maliban kay Allah. Ang pariralang "maliban kay Allah" ay nagpapatunay na ang lahat ng uri at pamamaraan ng pagsamba , pagsuko , pagsunod at pagluwalhati ay kailangang iukol sa natanging isang tunay na Diyos , si Allah , at hindi Siya gagawa ng mga katambal o kasama sa pagiging Diyos. Ang mga kondisyon na kinakailangan upang maisakatuparan ang tunay na kahulugan ng As-Shahadatan ay ang mga sumusunod:

1. Ang kaalaman tungkol sa mga kahulugan nito,

2. Ang katiyakan tungkol sa kahulugan nito na siyang pumapawi sa maraming pag-alinglangan at pagdu-duda

3. Ang katapatan ng kalooban na siyang nagbibigay daan upang maging malinis sa shirk ang isang tao,

4. Ang katapatan na siyang kabaligtaran ng pagkukunwari,

5. Ang pagmamahal at pagsunod sa ipinapahayag ng As-Shahadatan na siyang daan upang mawala ang pag-aagam-agam sa ipinahihiwatig nito,

6. Ang pagtalima : pagsagawa sa kung ano ang itinakda ni Allah tungkol sa pamamaraan ng Pagsamba ,

7. Ang pagtanggap sa pamamagitan ng pagsunod sa Allah na Siyang kahulugan ng pagpapahayag , at

8. Ang pagtalikod sa anumang bagay o sa kaninuman na sinasamba maliban kay Allah.

IKATLONG ARALIN

Ang anim (6) na pangunahing haligi ng Pananampalataya ay ang mga sumusunod :

1. Ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah.

2. Ang paniniwala sa Kanyang mga Anghel.

3. Ang paniniwala sa Kanyang mga Propeta at Sugo

4. Ang paniniwala sa Kanyang mga banal na kasulatan (batay sa orihinal na kapahayagan) ,

5. Ang paniniwala sa Araw ng Paghuhukum , at

6. Ang paniniwala sa qada' at qadar (ang kapalarang itinadhana at itinakda ni Allah ,maging ito ay mabuti o masama) na itinakda Niya ang sukat , itinadhana ayon sa kanyang kaalaman at itinuring na naaayon sa kanyang karunungan.

IKAAPAT NA ARALIN

Ang Tawhid (paniniwala sa ganap na kaisahan ni Allah ) ay nahahati sa tatlong aspeto :

1. Ang paniniwala sa kaisahan ni Allah bilang isang Natatanging Tagapaglikha,Tagapanatili, Tagapangalaga at iba pa. Ang paniniwalang ito ay tinatawag ng Tawhid Ar-Ruboobiyah.

2. Ang pagkilala na si Allah lamang ang Tanging Isang Tunay na Diyos na nararapat sambahin kaya't iwaksi ang mga pagsamba sa anumang nilikha o bagay. Ang paniniwalang ito ay tinatawag na Tawhid Al-Uloohiyah (Tawhid Al-Ibadah).

3. Ang paniniwala sa kaisahan ng mga Pangalan at Banal na Katangian ni Allah. Ang paniniwalang ito ay tinatawag na Tawhid Al-Asmaa' was Sifat.

Tungkol naman sa Shirk (pag-uugnay ng anumang bagay o ninuman sa pagsamba sa Allah) , ito ay nahahati sa tatlong uri:

1. Ang mataas na Shirk (Ash-Shirk Al-Akbar) na hindi patatawarin ni Allah. Ang sabi ni Allah sa Banal na Quran hinggil:

"Ngunit kung sila ay nag-uugnay ng iba pa (sa pagsamba kay Allah), ang lahat ng kani-lang ginagawa noon ay nawalan ng ibubungang mabuti sa kanila." (Qur'an 6:88)

"Hindi nararapat sa mga Mushrik (sumasamba sa mga diyus-diyusan , pagano at hindi naniniwala sa kaisahan ni Allah ) na mangalaga ng mga masjid ni Allah (upang manalangin at sumamba sa Kanya rito, magpanatili sa kalinisan at katatagan ng mga gusali ng mga ito) samanta-lang sila ay saksi laban sa kanilang sarili sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Nawalan na ng ibubungang mabuti ang kanilang mga gawa at ang impiyerno ang siya nilang tatahanan mag-pakailanman." (Qur'an 9:17)

Ang sinumang nag-uugnay ng iba kay Allah at namatay sa ganitong uri ng shirk ay hindi mapapatawad ng Allah at ang Jannah (Paraiso) ay ipagkakait sa kanya sapgkat ang Allah , Ang Makapangyarihan at Dakila ay nagsabi :

"Tunay na hindi patatawarin ni Allah na Siya ay tambalan (sa pagsamba) ngunit igagawad Niya ang Kanyang kapatawaran anumang (kasalanan) maliban pa roon sa kaninumang naisin Niya ." (Qur'an 4:48)

"Tunay na ang sinumang magtambal kay Allah (sa pagsamba), ang Jannah (Paraiso) ay ipagkakait ni Allah sa kanya." (Quran 5:72)

Ang paghingi ng tulong mula sa mga patay o mga imahen , pag-aalay at paggawa ng panata sa mga ito ay mga halimbawa ng ganitong uri ng shirk.

2. Ang Mababang Shirk (Ash-Shirk al-Asghar) na nababanggit sa Banal na Quran at sa Hadith ni Propeta

Propeta Muhammad (SAS) ngunit hindi ito katulad ng Ash-Shirk Al-Akbar.Ang riya' (pakitang-tao) at ang panunumpa sa iba maliban sa Allah ay mga halimbawa ng ganitong uri ng shirk. Si Propeta Muhammad (SAS) ay nagsabi "Ang aking higit na pinangangambahan sa inyo ay ang Ash-Shirk

Al-Asghar." Nang siya ay tanungin kung ano ito , siya ay nagsabi: "Ang riya'." Siya ay nagsabi rin:

"Ang sinumang manumpa sa anumang bagay maliban kay Allah ay nagkasala ng Ash-Shirk Al-Asghar." Si Propeta Muhammad (SAS) ay nagbigay -babala: "Huwag sabihing: 'Niloob ni Allah at ng taong iyon' bagkus sabihing : 'kung niloob ni Allah at pagkatapos ng taong na iyon." Ang uring ito ng shirk ay hindi naman nangangahulugan ng pagtalikod sa Islam o pananatili ng walang hanggan sa Impiyerno. Ito ay nagsasad lamang ng kakulangan ng pananampalataya kay Allah.

3. Ang Nakukubling Shirk (Ash-Shirk Al-Khafee) na ganito ang pagkapaliwanag ni Propeta Muhammad (SAS)

"Nais ba ninyong sabihin ko ang higit kong pinangangambahan kaysa sa pangamba ko sa Anti-Kristo?" Sila ay nagsabi : "Opo, O sugo ng Allah." At siya ay nagsabi : "Ang nakukubling shirk na ang halimbawa nito ay ang isang taong pinagaganda ang paraan ng kanyang pagsasa-gawa ng salah dahil may isang taong nakatingin sa kanya."

Sa madaling salita , ang shirk ay maaaring hatiin sa dalawang uri: ang Mataas na Shirk at ang ang Mababang Shirk. Sa kaso ng Nakukubling Shirk, Kapwa saklaw nito ang Mataas at Mababang Shirk depende na lamang sa kasalanang nagawa. Ang Nakukubling Shirk ay maaaring maging Mataas na uri ng shirk kung ito ay katulad ng shirk ng mga mapagkunwari na kinukubli ang kanilang maling pananampa-lataya samantalang ipinakikita nila ang Islam ng dahil lamang sa kanilang takot. Ang Nakukubling Shirk ay maaaring maging Mababang uri lamang ng shirk kung ito ay katulad ng riya'.

IKALIMANG ARALIN

Ang siyam na kondisyon sa pagsasagawa ng salah ay ang mga sumusunod:

1. Islam (ang pagiging Muslim)

2. Sapat na pag-iisip

3. Tamang gulang

4. Pagsasagawa ng wudu

5. Kalinisan (ng katawan , damit at lugar na pagsasagawan ng salah)

6. Maayos na pananamit

7. Pagkakaroon ng niyyah (hangaring magsasagawa ng salah)

8. Pagharap sa qibla (direksiyon ng Makkah) , at

9. Pagsasagawa sa takdang oras.

IKAPITONG ARALIN

Ang labing-apat na pangunahing sangkap (arkan) ng salah ay:

1. Pagtayo (kung makakaya)

2. Pagsasabi ng takbiratul ihram (pagsabi ng kauna-unahang Allahu Akbar)

3. Pagbibkas ng unang surah ng Banal na Quran (Al-Fatiha)

4. Ruku o pagyukod ng ulo at likod sa angulong may sukat na 90 degrees

5. Pagbalik sa pagkakatayo ng tuwid

6. Sujud o pagpapatirapa sa lapag (sahig o lupa) na ang dalawang kamay , dulo ng paa at ang noo ay nakadiit dito.

7. Paangat mula sa pagkakatirapa upang maupo

8. Maikling pamamahinga habang nakaupo

9. Kapanatagan sa lahat ng kilos

10. Pagsasagawa ng mga pangunahing sangkap ng salah ayon sa pagkasunod-sunod

11. Pagbigkas ng huling tashahud (ikalawang bahagi)

12. Pag-upo para sa huling tashahud

13. Pananalangin para kay Propeta Muhammad (SAS) at paglingon ng mukha sa kanan at sa kaliwa habang kapwa sinasabi ang assalamu 'alaykum wa rahmatullah.

14. Pagkasunod-sunod

IKAWALONG ARALIN

Ang walong bagay na kailangang isagawa sa salah:

1. Ang mga pagsabi ng Allahu Akbar maliban sa (Takbiratul Ihram)

2. Ang pagsambit ng Sami Allahu liman hamidah (Dinidinig ni Allah ang sinumang pumupuri sa Kanya) ng Imam at maging ng mga nagdarasal nang mag-isa.

3. Ang pagsabi ng Rabbana wa lakal hamd (Panginoon namin , ang pagpupuri ay nauukol sa Iyo) ng Imam at ng bawat isa.

4. Ang pagsabi ng Subhana Rabbiyal 'adheem (Luwalhati sa aking Panginoon , Ang Dakila)

5. Ang pagsabi ng Subhana Rabbiyal a'la (Luwalhati sa aking Panginoon , Ang Kataas-taasan) habang nasa posisyong sujud.

6. Ang pagsabi ng Rabbighfir li (O aking Panginoon , patawarin Mo po ako)sa pagitan ng dalawang sujud

7. Ang unang bahagi ng Tashahud (At-tashahud al-awwal) , at

8. Ang pag-upo para rito.

IKASIYAM NA ARALIN

Alamin ang nilalaman ng At-tashahud:

Unang Bahagi:

Attahiyyatu lillahi wassalawatu wattayibat, Assalamu alayka ayyuha annabiyu wa rahma-tullahi wa barakatuhu, Assalamu 'alayna wa 'ala ibadillahis salihin,Ashhadu an la ilaha illa Allah, wa ashhadu anna Muhammadan abduhu wa rasulullah.

Ang salin ng kahulugan sa Tagalog:

Lahat ng pagbati ,dasal ,at mabuting bagay ay nauukol kay Allah lamang. Sumaiyo nawa Propeta, ang kapayapaan at ang pagpapala at ang awa ni Allah. Nawa'y mapasaamin ang kapayapaan at sa mga mabu-buting lingkod ni Allah. Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah.

Huling Bahagi:

Allahumma salli 'ala Muhammadin wa 'ala aali Muhammad, kama sallayta 'ala Ibrahima wa 'ala aali Ibrahima innaka hameedum majeed.Allahumma barik 'ala Muhammadin wa 'ala aali Muhammad, kama barakta 'ala Ibrahima wa 'ala aali Ibrahima innaka hameedum majeed.

Ang salin ng kahulugan sa Tagalog:

O Allah , pagpalain mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad katulad ng pagpala Mokay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim; tunay na Ikaw ang kapuri-puri at ang Dakila. O Allah , biyayaan Mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad katulad ng pagbiyaya Mo kay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim; tunay na Ikaw ang kapuri-puri at ang Dakila.

Matapos bigkasin ang huling tashahud ,nararapat ding ipanalangin ang sumusunod:

Allahumma inni a'oodhu bika min 'adhabi jahannama wa min 'adhabil qabri wa min fitnatil mahya wal mamati wa min fitnatil maseehid dajjal.

Ang salin ng kahulugan sa Tagalog:

O Allah , ako po ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pasakit sa Impiyerno at pasakit sa libingan , at sa pagsubok sa buhay at sa kamatayan , at sa tukso ng Bulaang Kristo. Pagkaraaan nito.

Pagkatapos nito ay maaari na siyang manalangin at humiling kay Allah ng anumang naisin niya at mas lalong mainam kung gagamitin niyang panalangin ay ang katulad ng sa Propeta Muhammad (SAS):

Allahumma a'inni 'ala dhikrika wa shukrika wa husni 'ibadatik. Allahumma inni dhalamtu nafsi dhulman katheeran , wa la yaghfirudh dhunuba illa anta , faghfir li maghfiratan min indak , innaka antal ghafoorur raheem.

Ang salin ng kahulugan sa Tagalog:

O Allah , tulungan Mo po ako sa pag-alaala sa Iyo at sa pagpapasalamat sa Iyo at sa pagpapabuti ng aking pagsamba sa Iyo. O Allah ,ako po ay nakagawa ng maraming pagkakasala sa aking sarili at walang nagpapatawad ng mga kasalanan kundi Ikaw kaya igawad Mo po sa akin ang kapatawarang buhat sa Iyo; tunay na Ikaw ang mapagpatawad at ang Maawain.

IKASAMPUNG ARALIN

Sa pagsasagawa ng salah , may mga sunnah na dapat alamin:

1. Ang pagbigkas ng du'a al-iftiftah

2. Ang paglagay ng mga kamay sa dibdib; ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay habang nasa nakatayong posisyon.

3. Ang pagtaas ng mga kamay hanggang sa balikat o malapit sa tainga na ang mga daliri ay magkakadikit habang nagsasabi ng Allahu Akbar kapag sinisimulan ang salah , magsaasgawa ng ruku , kapag buma-balik sa pagkakatayo pagkatapos magsagawa ng ruku , at kapag tatayo para simulan ang ikatlong yunit ng salah.

4. Ang pagsabi ng Subhana rabbiyal 'adheem at Subhana rabbiyal a'la nang higit sa isang beses habang nasa posisyong ruku at sujud.

5. Ang pagsabi ng rabbighfir li warhamni wahdini warzuqni wa`afini wajburni (o aking Panginoon, patawarin Mo po ako;at pagalingin Mo po ako.) nang higit sa isang beses sa pagitan ng dalawang sujud.

6. Ang pagyukong ang ulo at likuran ay nasa pantay na posisyon. Ito ang tamang posisyon ng ruku

7. Habang nasa popsisyong sujud (pagpapatirapa),ang mga braso ay hindi dapat nakadikit sa tagiliran at ang dibdib ay hindi dapat nakadikit sa mga hita o nakadikit ang mga hita sa mga binti.

8. Ang pagtaas ng mga braso habang nasa sujud na posisyon

9. Ang pananalangin (Tashahhud) para kay Propeta Muhammad (SAS) at sa kanyang pamilya at para kay Propeta Ibrahim at sa kanyang pamilya (ang huling Tashahhud ang siyang tinutukoy rito).

10. Ang may tunog na pagsasagawa ng salah sa fajr, maghrib, at isha.

11. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang sujud na ang kaliwang pigi ay nakapatong sa kaliwang paa (na nakahiga) habang ang kanang paa ay nakatukod at ang mga daliri nito ay nakasayad sa lapag (sahig o lupa).

12. Ang pag-upo ng upong tinatawag na tawarruk habang binibigkas ang buong tashahhud. Ang pag-upong ito ay ganito: nakatukod ang kanang paa , nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa sa ilalim ng kanang binti , at nakadiit sa lapag ang kanang pigi.

13. Ang tahimik na pagbigkas ng du`a pagkatapos ng huling Tashahhud.

14. Ang tahimik na pagsasagawa ng salah sa dhuhr , sa `asr sa huling rak`ah ng maghrib , at sa huling dalawang rak`ah ng `isha; at

15. Ang pagbigkas ng mga piniling talata ng Banal na Qur'an pagkatapos bigkasin ang Al-Fatiha.

IKALABING-ISANG ARALIN

Ang pagkawala ng bisa ng salah

Ang anumang salah ay nawawalan ng bisa kapag ang alin man sa mga sumusunod ay nagawa:

1. Pagsasalita ng sadya

2. Pagtawa

3. Pagkain habang nagsaagawa ng salah.

4. Pag-inom habang nagsasagawa ng salah.

5. Pag alis ng mga kasuotan sa katawan na ipinagbabawal na alisin habang nagsasagawa ng salah.

6. Pagkakalihis nang labis sa direksiyon ng qiblah.

7. Walang dahilang labis na galaw na walang kinalaman sa salah, at.

8. Pagkawala ng wudu.

IKALABINDALAWANG ARALIN

Ang sampung kondisyon sa pagsasagawa ng wudu:

1. Islam (Kailangan ang magsasagawa ng wudu ay isang Muslim)

2. Sapat na pag-iisip

3. Tamang gulang

4 &5. Ang intensiyon (niyah) at ang pagsasagawa nito nang tuloy-tuloy (Hindi dapat pahinto-hinto ang pagsasagawa ng wudu).

6. Pagsasagawa ng istinjah (paglilinis ng mga maseselang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng tubig) o ng istijmar (paglilinis ng mga maselang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng bato o papel o dahon) bago magsagawa ng wudu,

7. Ang tubig na dapat gamitin ay kailangang malinis at mubah (hindi ninakaw o kinuha ng sapilitan sa iba)

8. Ang pag-alis ng lahat ng bagay na sagabal sa pagpasok ng tubig sa bahagi ng katawan na kailangang wudu.

9. Ang mga palagiang nawawalan ng bisa ang kanilang wudu (sanhi ng pag-utot , pag-ihi , o ano pa mang nakapagpawalang bisa ng wudu) kailangang magsagawa nito sa tuwing bago magsasagawa ng salah, at

10. Ang paglitaw ng iba pang dahilan na nangangailangan ng pagsasagawa ng wudu (gaya ng pag-ihi , pag-dumi , pagtulog at pagkain ng karne ng kamelyo).

IKALABINTATLONG ARALIN

Ang fard (obligadong gawain) sa pagsasagawa ng wudu

1. Ang paghugas ng mukha kasama na rito ang paglilinis ng bibig sa pamamagitan ng tubig at ang paglilinis ng loob ng ilong.

2. Ang paghugas ng dalawang kamay hanggang lagpas siko.

3. Ang paghaplos ng kamay na basa sa ulo kasama ang tainga.

4. Ang paghugas ng dalawang paa kasama na ang mga sakong , at

5. Ang pagsasagawa ng wudu ayonsa itinakdang pagkakasunod-sunod na walang pag-aantala.

IKA LABING - APAT NA ARALIN

Ang anim na nakapagpapawalang-bisa sa wudu:

1. Ang pag-ihi , pagdumi , at paglabas ng hangin

2. Ang sobrang paglabas ng anumang maruming bagay mula sa katawan

3. Ang pagkawala ng kamalayan sanhi ng pagkatulog o pagkawala ng ulirat

4. Ang pagkain ng karneng kamelyo (sapagkat iniutos ni Propeta Muhammad (SAS) na magsagawa ng wudu matapos na kumain nito).

5. Ang pagtalikod o paglisan sa Islam ; at

6. Ang paghawak sa maselang bahagi ng katawan (na walang nakatakip o damit)

Paalala: Ang paghugas ng patay ay hindi nakawawala ng bisa ng wudu maliban kung ang naghuhugas ng patay ay humawak sa maselang bahagi ng katawan ng patay. Ang paghalik sa babae nang may pagnanasa o walang pagnanasa ay hindi nakasisira ng wudu sapagkat si Propeta Muhammad (SAS) ay minsang humalik sa isa niyang asawa at pagkatapos nito ay nagsagawa ng salah na hindi nagsagawa ng wudu.Ang wudu ay may bisa hanggang walang lumalabas sa ari na likidong sanhi ng pagnanasang seksuwal. Tungkol naman sa sinasabi ni Allah , Ang maluwalhati: "O kayo ay humawak ng mga babae " (4:43) , ang ibig sabihin ng

"humawak ng babae" sa talatang ito ay ay ang aktuwal na pakikipagtalik sa babae tulad ng pagsasalaysay

ni Ibn Abbas at iba pa at ito ang tamang opinyon.

IKA-LABINLIMANG ARALIN

Ang mga sumusunod ay ang mga itinagubiling mabuting asal para sa mga Muslim:

Pagiging makatotohanan , katapatan , Pagiging kagalang-galang (sa kilos at pananalita),Katapangan , Pagiging mapagbigay, pag-iwas at pagtalikod sa lahat ng bagay ipinagbabawal ni Allah , Pagiging mabuting mabuting kapitbahay , Pagiging matulungin sa mga nangangailangan , at iba pang mga kabutihang asal na nakasaad sa Banal na Qur'an at sa Hadith ni Propeta Muhammad (SAS).

IKALABING -ANIM NA ARALIN

Ang mga sumusunod ay ang mga itinagubiling magandang asal para sa mga Muslim:

1. Ang pagbati sa pamamagitan ng pagsabi ng Assalamu Alaykum

2. Ang pagkamasayahin

3. Ang paggamit ng kanang kamay sa pagkain at pag -inom

4. Ang pagsunod sa mga alituntunin sa mga alituntuning pang -Islam kapag papasok at lalabas sa bahay , masjid , at kapag naglalakbay.

5. Ang pagiging mabuti sa pakikitungo sa mga magulang , mga kamag-anakan , mga kapitbahay ,mga matatanda , at mga nakababata.

6. Pagbati (sa natamong tagumpay ng kapwa)

7. Pakikiramay (sa dalamhati ng iba)

8. At iba pang magagandang asal na itinuturo ng Islam.

IKALABIMPITONG ARALIN

Ang pagbabala laban sa Shirk at laban sa masamang gawaing katulad ng pangungulam (mahika o karunungang itim), pagpatay , paggamit ng salapi ng mga ulila , riba (pagpapatubo sa utang) , pag-iwas sa panahon ng Jihad , pag-aakusa ng masama sa mga mararangal na babae , pagsuway sa mga magulang , paki-kipag-away sa mga kamag-anakan, pagsaksi sa walang katotohanan, pananakit o pamiminsala sa kapitbahay pakikipagkagalit sa kapwa , at iba pang babala na ipinahayag ni Allah at ng Kanyang Sugo (SAS).

IKALABINGWALONG ARALIN

Ang paghugas sa katawan ng patay at pagsasagawa ng salah para sa patay (Salatul janazah):

I- Ang Pagpapaligo sa Patay

1. Kapag ang isang Muslim ay napatunayang patay na , kailangang ipikit ang mga mata nito at isara ang bibig nito.

2. Sa paglilinis ng katawan ng patay , ang buong katawan simula sa bahagi ng katawan na hinuhugasan sa wudu ay kailangang hugasan. Ang tiyan ay marahang idinidiin at sinusundan ng paghugas ng puwit at ng maselang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng basang tela. Pagkatapos nito ay gagawan ng pangkarani-wang wudu ang patay .

Ang katawan ay hinuhugasan simula sa ulo at balbas sa pamamagitan ng tubig na may halong dahon ng sidr (lotus kung mayroon nito). Ang kanang bahagi ng katawan ang kailangang hugasan bago ang kaliwang bahagi ng katawan at huhugasan ito ng tigtatalong beses katulad ng nabanggit sa itaas , ang tiyan ay dapat na idiin. Ang bigote at ang mga kuko ay dapat gupitin. Kung ang katawan ay malinis na , ito ay binibalot sa tatlong puting tela na nakatago ang lahat ng bahagi ng katawan at pinapaba-nguhan ng insenso. Kung sakaling ang katawan ng patay ay hindi pa malinis , ang paghuhugas sa kanya ay kailangang gawing lima hanggang pitong beses at pagkaraan tapos nito ay patutuyuin ito sa pamamagitan ng pagpupunas ng malinis na tela. Ang buhok ng lalaki ay hindi dapat suklayin samantalang ang buhok ng babae ay dapat na itarintas sa tatlong bahagi at hayaang nakababa sa kanyang likuran.

3. Mas mainam na ibalot ang lalaki sa tatlong puting tela na walang panloob ng damit o takip sa ulo (amamah) ; ang mga bata ay ibalot sa isa hanggang sa tatlong tela ; at ang babae naman ay sa limang tela ;

(1) Dir: isang maluwag na panlabas na kasuotan na may manggas,

(2) Khimar: panakip sa ulo at mukha,

(3) Izar: isang tela na ipinantatapis sa baywang nito , at (4) dalawang malalapad na telang pambalot sa buong katawan. Ang mga batang babae ay maaring balutin na nakadamit at sa dalawang tela.

4. Ang may karapatan upang hugasan o linisin ang lalaki ay ang taong pinagbilinan niya (kung mayroon man) at ang mga susunod ayon sa pagkakasunod-sunod: ang kanyang ama , ang kanyang lolo, ang kanyang pinakamalapit na kamag-anak. Mas mainam na ang babaeng patay ay paliguan ng napili niya (kung bago siya napatay ay may napili siya) at ang mga sumusunod ayon sa pagkakasunod-sunod: ang kanyang ina o ang kanyang lola , at ang alin man sa pinakamalapit niyang kamag-anakang babae. Ang asawang lalaki ay maaaring magpaligo sa kanyang asawa at ang asawang babae ay maaari ring magpaligo sa katawan ng kanyang asawa sapagkat noong namatay si Abu Bakr (RA) ay pinaliguan siya ng kanyang asawa at si Ali bin Abi Talib (RA) ang nagpaligo noong namatay ang kanyang asawang si Fatima (RA).

II- Ang pagsasagawa ng salah para sa patay (salatul janazah)

1. Ang Takbeer o pagsabi ng "Allahu Akbar" ay bibigkasin nang apat na beses sa salah na ito.

2. Binibigkas nang tahimik ang Al-Fatiha pagkatapos ng unang takbeer

3. Pagkatapos ng Al-Fatihah ay binibigkas nang tahimik ang panalangin para kay Propeta Muhammad (SAS)

4. Pagkatapos ng panalangin para sa Propeta ay binibigkas ang ikatlong takbeer at saka binibigkas ang mga karaniwang idinadalangin para sa patay gaya halimbawa ng paghingi ng kapatawaran para sa lahat ng

Muslim o anumang du`a na nalalaman lalong-lalo na ang katulad nito:

Allahummaghfir li hayyina wa mayyitina , wa shahidina wa gha`ibina , wa saghirina wa kabirina , wa dhakirina wa unthana. Allahumma man tawaffaytahu minna fa tawaffahu alal Iman.

Allahumma la tahrimna ajrahu , wa la taftina ba'dah.

O Allah , patawarin Mo po ang mga nabubuhay sa amin at ang mga namatay na sa amin , at mga naririto ngayon sa amin at ang mga wala ngayon sa amin , at ang mga lalaki sa amin at ang mga babae sa

amin. O Allah , ang sinumang hinayaan Mo pang mabuhay sa amin , pamuhayin Mo po siya ng buhay naisang mananampalataya. O Allah , huwag Mo po kaming pagkaitan ng bahagi sa kanyang gantimpala at huwag Mo po kaming ilagay sa pagsubok matapos na siya ay yumao.



Allahummaghfir lahu warhamhu, wa 'afihi wa'fu anhu wa akrim nuzulahu , wa wassi'

madkahlahu , waghsilhu bil ma`i wathalii walbarad , wa naqqihi minadh dhunubi wal khataya ,

kama yunaqqath thawbul abyadu minad danas , wa abdilhu daran khairam min darihi , wa ahlan

khairam min ahlihi , wa adkhilhul jannah , wa 'a'idh-hu min adhabil qabr wa adhabi an nar,

wafsah lahu fi qabrihi wanawwir lahu fihi.Allahumma la tahrimna ajrahu , wa la tudlilna ba'dahu

O Allah , patawarin Mo po siya at kaawaan Mo po siya ; pangalagaan Mo po siya at pagpauman-

hinan Mo po siya ; tanggapin Mo po siya ng may karangalan at gawin Mo pong maluwang ang kanyang

libingan ; linisin Mo po siya sa pamamagitan ng tubig ,yelo at niyebe, at linisin Mo po siya mula sa mga

kasalanan at mga kamalian katulad ng kalinisan ng puting damit mula sa marumi ; bigyan Mo po siya ng

tahanang mas mainam pa sa dati niyang tahanan at kasamang mas mainam pa sa dati niyang kasama.

Papasukin Mo po siya sa paraiso at kupkupin Mo po siya mula sa pasakit sa libingan at pasakit sa Impi-

yerno. Palawakin Mo po ang kanyang libingan at bigyan Mo po ito ng liwanag. O Allah , huwag Mo po

kaming pagkaitan ng bahagi sa kanyang gantimpala at huwag Mo pong hayaan na kami ay maligaw matapos na siya ay yumao.

5. Pagkatapos nito ay sabihin ang takbeer sa ika-apat na pagkakataon at saka lumingon sa kanan habang sinasabi ang "Assalamu Alaykum". Dito nagtatapos ang salatul janazah.

Mas mainam na itaas ang mga kamay habang sinasabi ng "Allahu Akbar".

Kung ang namatay ay isang sanggol o bata ang du`a na mainam para rito ay ganito:

Allahumma maj'alhu dhikran liwalidayhi wa shafi`an mujaban. Allahumma thaqqil bihi mawazinahuma wa 'adhdhim bihi ujoorahuma wa alhiqhu bisalihil mu'mieen, waj'alhu fi kafalati Ibrahim alayhis salam , wa qihi bi rahmatika adhabal jahim.

O Allah , gawin Mo po siya na isang paunang gantimpala at isang laang yaman (sa araw ng Pag-huhukom) para as kanyang mga magulang at isang tagapamagitan na pakikinggan. O Allah , pabigatin Mo po ang timbangan (ng mabuting gawa) ng kanyang mga magulang sa pamamagitan niya , palakihin Mo po ang kanilang mga gantimpala sa pamamagitan niya , isama Mo po siya sa matutuwid na mga mananampa-lataya at ilagay Mo po siya sa pangangalaga ni Ibrahim (AS) ; at pangalagaan Mo po siya sa pamamagitan ng Iyong awa laban sa pasakit ng nagliliyab na Apoy.

Ang puwesto ng Imam sa Pagsasagawa ng Salatul Janazah

Kung lalaki ang namatay isang tradisyon para sa Imam na tumayo sa tabi ng kaliwang bahagi ng ulo ng patay. At kung ito ay babae , ang Imam ay tatayo sa gitna ng kaliwang bahagi ng katawan nito. Kung sama-sama sa isang Salatul Janazah ang patay na mga lalaki , mga babae , at mga bata (babae at lalaki) , ganito ang pag-aayos na gagawin:

Ang mga bangkay na lalaki ay nasa harapan ng Imam. Ang mga batang lalaki ay nasa kanan ng mga kalalakihan. Ang mga babae ay nasa kanan ng mga batang lalaki. Ang mga batang babae ay nasa kanan ng mga babae. Ang mga batang lalaki ay ilalagay na mas malapit sa mga lalaki kaysa mga babae. (Lahat ng bangkay ay nakalapag na nakapahalang sa hanay ng mga nagsasagwa ng Salatul Janazah.) Ang mga bangkay ay isinaayos na ang ulo ng batang lalaki ay nakatapat sa ulo ng lalaki samantalang ang gitnang bahagi ng katawan ng babae ay nakatapat sa ulo ng lalaki. Ang ulo ng batang babae ay nakatapat sa ulo ng babae. Ang mga tagasunod ng Imam ay nakatayo sa kanyang likuran katulad ng sa pangkaraniwang salah. Maari ding tumabi sa kanan ng Imam kung wala nang matagpuang lugar sa likod ng Imam.

Ang pagpuri ay nauukol kay Allah ; nawa'y igawad ni Allah ang kanyang mga pagpapala at kapayapaan sa Kanyang Propeta at sa pamilya at mga kasamahan niya.