Friday, March 25, 2011

ANO ANG BANAL NA QUR’AN ?

Ang Banal na Qur’an ay ang panghuling kapahayagan ng Allah. Ito ay tunay na salita ng Allah na napanatili sa kanyang orihinal na anyo.



Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel sa loob ng dalawampu’t-tatlong taon. Ito ang saligan o batayan ng pananampalatayang Islam. Ang kapahayagang ito ay siyang binibigkas ng mga Muslim sa tuwing magdarasal ng limang beses sa maghapon. Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag ng Allah bilang gabay sa sangkatauhan.



Sa katunayan, maraming Muslim ang nasasaulo ang buong Banal na Qur’an. Ito ay isang patunay na ang Banal na Qur’an ay hindi maaaring baguhin magpakailanman at isang tanda na ito ay pinangangalagaan ng Allah laban sa anumang pagbabago.



Sa Banal na Qur’an (15:9) ang Allah ay nagsabi :



“Katotohanan, ipinadala Namin ang Kapayahagan; at katiyakang pangangalagaan Namin ito (sa ano mang pagbabago).”

No comments:

Post a Comment