Friday, March 25, 2011
Ang Pagkasilang, Kabataan at Pag-aasawa ni Muhammad
Pagkasilang
Si Muhammadr[1] ay isinilang sa angkan ng Bani Hashim sa Makkah, Arabia, araw ng Lunes, 571 A.D. [9 Rabi’ Al-Awwal]. Ang kanyang ina na si Aminah ay anak ni Wahb bin Al-Manaf mula sa angkan ng mga Zahrah. Ang kanyang ama na si Abdullah ay anak ni Abd Al-Muttalib. Ang kanyang angkan ay mula sa marangal na lahi ni Isma’il, ang anak ni Abraham na halos ika-apatnapung inapu.
Ang ama ni Muhammadr ay namatay bago siya ipinanganak. Lubos siyang naging ulila sa pagkamatay ng kanyang ina noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.
Ayon sa kaugalian ng mga mararangal na pamilya sa Makkah, ang batang si Muhammad ay ipinaubaya sa pangangalaga ni Halimah bint Abi Dhuib na nanini-rahan sa disyerto upang maging malusog at matutong maging matatag sa buhay disyerto, at gayundin upang maging bihasa siya sa wikang Arabik sa orihinal at dalisay nitong anyo. Sa pananatili niya sa disyerto kapiling ang pamilya ni Halimah, ilang ulit din siyang ibinalik sa Makkah upang dalawin ang kanyang ina. Nang namatay ang kanyang ina, siya’y inalagaan ng kanyang lolo na si Abd Al-Mutalib. At nang namatay ang kanyang lolo, napunta siya sa pangangalaga ng kanyang amain na si Abu Talib. Sa pagkakataong ito, madalas siyang mag-alaga ng mga tupa sa palibot ng Makkah at sinasamahan din ang kanyang amain sa paglalakbay ng pangangalakal sa Syria.
Ang Kabataan
Sa kanyang kabataan, si Muhammadr ay mahigpit na naniniwala sa Kaisahan ng AllahU[2]. Siya ay namuhay nang pangkaraniwan at kinasusuklaman niya ang kapalaluan, kahambugan at pagmamataas. Siya ay maawain sa mga mahihirap, sa mga balo at sa mga ulila at nakiramay siya sa kanilang paghihirap sa pamamagitan ng kanyang pagtulong. Kanyang ini-wasan ang lahat ng masasamang bisyo na karaniwang ginagawa ng mga kabataan sa kanilang lipunan katulad ng sugal, pag-inom ng alak, kahalayan at marami pang iba. Siya ay likas na kilalang ‘As-Siddiq’ (Matapat) at ‘Al-Amin’ (Mapagkakatiwalaan). Tiwala sila sa kanyang pamamagitan sa anumang hidwaan ng dalawang magkasalungat na panig sa kanyang lupang tinubuang Makkah.
Pag-aasawa
Noong siya’y halos 25 - taong gulang, iminungkahi ng kanyang amain na si Abu Talib na sumama siya sa isang paglalakbay ng pangangalakal na pagmamay-ari ng isang mayamang balo na si Khadijah. Tinanggap at isinagawa niya ang paglalakbay sa Syria. Kanyang pinangasiwaan ang pangangalakal nang may likas na pag-iingat at pagpapahalaga sa kanyang tungkulin kung kaya't bumalik siyang may dalang malaking kita kung ihahambing sa karaniwang kinikita ng mga naunang namasukan sa kanya. Humanga si Khadijah sa kanyang katapatan at sa kanyang kahali-halinang pagkatao. Kaya kanyang inalok siya ng kasal na taos pusong tinanggap naman ng Propetar. Naging masaya ang kanilang pag-iisang dibdib. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng anim na supling: Al-Qassim, Zainab, Ruqaiyah, Umm Kulthum, Fatimah at Abdullah na tinag-uriang Taiyib at Tahir. Lahat ng anak na lalaki ay namatay na bata pa lamang at ang kanyang mga anak na babae ay namatay sa panahon ng kanyang pagkabuhay maliban kay Fatimah na namatay anim na buwan pagkaraan ng kanyang pagpanaw. Si Khadijah ay ang tangi niyang asawa hanggang sa pumanaw ito sa edad na 51 taong gulang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment