Marami ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, isang taong isinilang sa bansang Muslim. Ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim.
Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.
Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.
No comments:
Post a Comment