Ang Islam ay hindi hinango sa pangalan ng tao, pook, tribo o ano mang bagay na nilikha ng Diyos. Ito ay kaiba sa ibang relihiyon sapagkat ang kanilang pangalan ay hinango sa mga nilikhang bagay. Halimbawa : Ang Kristiyanismo ay hinango sa katagang Kristo; Budhismo sa pangalan ni Gautama Buddha; Hinduismo sa tribo ng Indes Valley sa India; at Judaismo sa tribo ng Juda.
Ang Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na “Salam” na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos. Ang tunay na kapayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ng kapayapaan sa kapaligiran at lipunan. Ang kapayapaan ay hindi kailanman matatamo sa antas ng karunungan, kayamanan o katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng ganap at tapat na Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Nag-iisang Tunay na Diyos (Allah) - ang likas na pananampalatayang ibinigay Niya sa sandaigdigan.
No comments:
Post a Comment