AngTawhid ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol sa Kanya at sa anumang kailangang gampanan sa Kanya na mga uri ng pagsamba. Sinabi ni Allah;
"At hindi Ko nilikha ang jinni at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako." (51:56):
Sinabi pa Niya:
"At sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman." (4:36):
Ang Tawhid ay tatlong uri:
I. Tawhid al-Ulْhoyah (Kaisahan sa Pagkadiyos),
II. Tawhid ar-Rubobiyah (Kaisahan sa Pagkapanginoon)
III. Tawhid al-Asma' wa as-Sifat (Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian).
1. Ang Tawhid ar-Rubobiyah
Ang Tawhid ar-Rubobiyah (Kaisahan sa Pagkapanginoon) ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa paglikha at pangangasiwa sa sansinukob na ito, at na Siya rin ang Tagapagtustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagabawi ng buhay, at ang nagtataglay ng paghahari (o pagmamay-ari) sa mga langit at lupa. Sinabi ni Allah
"May tagapaglikha pa bang iba pa kay Allah na nagtutustos sa inyo
mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya.…"
{35:3}
Sinabi pa Niya:
"Mapagpala Siya na nasa Kanyang kamay ang paghahari—at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay—"
{67:1}
Ang paghahari ni Allah ay paghaharing sumasaklaw sa lahat ng nasa Sansinukob, ginagawa niya rito ang anumang ninanais Niya. Tungkol naman sa pamumukod-tangi ni Allah sa pangangasiwa, Siya ay namumukod sa pangangasiwa sapagkat Siya lamang ang nangangasiwa sa mga nilikha. Sinabi Niya:
"Tunay ngang Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si Allah, ang Panginoon ng mga nilalang."
{7:54}
Wala ng nagkakaila sa uri ng Tawh يd na ito kundi ang mga abnormal sa mga tao. Ikinakaila nila ito sa salita sa kabila ng pagkilala nila nito sa kaibuturan ng kanilang mga puso, gaya nga ng sinabi ni Allah:
"At ikinaila nila ang mga tanda, samantalang natiyak ito ng kanilang mga sarili,…"
{27:14}
2. Ang Tawhid al-Ulohiyah
Ang Tawhid al-Ulohiyah (Kaisahan sa Pagkadiyos) ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa lahat ng mga uri ng pagsamba: hindi gagawan ng tao si Allah ng isa pang sasambahin at pag-uukulan ng pagsamba. Ang uring ito ng Tawhid ay ang dahilan kung kaya nilikha ni Allah ang mga nilikha, gaya nga ng sinabi Niya:
"At hindi Ko nilikha ang jinni at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako."
{51:56}
Ito rin ang dahilan kung kaya isinugo Niya ang mga propeta at ibinaba Niya ang mga Banal na Aklat, gaya nga ng sinabi Niya
"At hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng sugo kung hindi Namin isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya sambahin ninyo Ako."
{21:25}
Ang uring ito ng Tawhid din ang ikinaila ng mga Mushrik noong anyayahan sila ng mga sugo sa Tawhid:
"Sinabi nila: "Dumating ka ba sa Amin upang sambahin namin si Allah lamang at iwan namin ang sinasamba noon ng aming mga ninuno?…"
{7:70}
Dahil dito, hindi matatanggap na magbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah, ni sa anghel na malapit kay Allah, ni sa propeta na isinugo, ni sa matuwid na tao, at ni sa isa man sa mga nilikha sapagkat ang pagsamba ay hindi magtatanggap kung hindi ukol kay Allah.
3. Ang Tawhid al-Asma` wa as-Sifat
Ang Tawhid al-Asma' wa as-Sifat (Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian) ay ang paniniwala [sa pamumukod-tangi ni Allah] sa anumang ipinangalan Niya at sa anumang ipinanlarawan Niya sa Kanyang sarili [na nasasaad sa Qur'an], o sa anumang ipinangalan ng Kanyang Sugo (SAS)(1) sa Kanya at sa anumang ipinanlalarawan nito sa Kanya [na nasasaad sa Hadith](2) at ang pagkikilala sa mga ito sa paraang naaangkop sa Kanyang kadakilaan nang walang Tahrif (pagpapalit ng kahulugan), walang Ta'til (pag-aalis ng kahulugan), walang Takyif (paglalarawan ng kahulugan), at walang Tamthil (paghahalintulad), ayon sa tunay na kahulugan ng mga ito, hindi ayon sa kahulugang patalinhaga.
Ang halimbawa nito ay na si Allah ay nagpangalan sa Kanyang sarili ngal- Hayy (ang Buhay), kaya naman tungkulin nating maniwala na angal- Hayy (ang Buhay) ay isa sa mga pangalan ni Allah at tungkulin din nating maniwala sa anumang katangiang nilalaman ng pangalang ito at iyon ay ang ganap na buhay na hindi naunahan ng kawalang-buhay at hindi susundan ng pagkalipol. Pinangalanan ni Allah ang sarili Niya naas-Sa ma' (ang Nakaririnig) kaya tungkulin nating maniwala na ang as-Sama' ay isa sa mga pangalan Niya, na ang pagdinig ay isa sa mga katangian Niya, at na Siya ay Nakaririnig. Isa pang halimbawa. Nagsabi si Allah:
"At nagsabi ang mga Hudyo: "Ang kamay ni Allah ay nakagapos." Magapos ang mga kamay nila at sumpain sila sa kanilang sinabi. Datapuwa't ang dalawa Niyang kamay ay nakaabot: nagkakaloob Siya sa paraang niloloob Niya. …"
{5:64}
Samakatuwid, kinilala ni Allah na nagtataglay ang Kanyang sarili ng dalawang kamay, na inilarawang nakaabot: masaganang nagbibigay. Kaya, tungkulin nating maniwala na si Allah ay may dalawang kamay na nakaabot upang magbigay at magbiyaya. Subalit tungkulin nating huwag nating tangkain— sa pamamagitan ng imahinasyon ng ating mga isip ni sa pamamagitan ng pagbigkas ng ating mga bibig—na ilarawan ang kahulugan ng dalawang kamay na iyon ni ihalintulad ang mga iyon sa mga kamay ng mga nilikha sapagkat si Allah ay nagsasabi:
"…Walang anumang katulad sa Kanya. At Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita."
{42:1}
Ang buod ng tinalakay tungkol sa uri ng Tawhid na ito ay na tungkulin nating kilalanin ang anuman sa mga pangalan at mga katangian na kinilala ni Allah na taglay ng Kanyang sarili at kinilala ng Kanyang Sugo (SAS) na taglay Niya ayon sa tunay na kahulugan ng mga ito, nang walang Tahrif (pagpapalit ng kahulugan), walang Tamthil (paghahalintulad), walang Takyif (paglalarawan ng kahulugan), at walang Ta'til (pag-aalis ng kahulugan).
(1) (SAS): Sallallahu 'Alayhi wa Sallam: Sumakanya ang pagpapala at kapayapaan ni Allah. Binabanggit ito sa tuwing tinutukoy si Propeta Muhammad (SAS).
(2) Ang Hadith ay ang ulat hinggil sa kung ano ang sinabi, ang ginawa at ang sinang-ayunan ng Propeta (SAS).
No comments:
Post a Comment