Friday, March 25, 2011

SINO ANG ALLAH ?

Ang Allah ay ang tunay at tanging Tagapaglikha. Siya ay walang anak at hindi rin ipinanganak. Siya ay walang katulad.


Ang Allah ay hindi lamang Diyos ng isang tribo o pangkat ng tao, bagkus Siya ang Tunay na Panginoon ng lahat. Kaya’t Siya lamang ang karapat-dapat sambahin at wala ng iba pa.



Siya ang nagpadala ng mga Sugo upang turuan ang tao sa pagsamba lamang sa Kanya. Ang ilan sa kanila ay sina : Propeta Noah, Abraham, Moses, Hesus,Mohammad (sumakanila nawa ang kapayapaan).



Pinananatili ng mga Muslim na Siya ay tawagin sa pangalang Allah. Siya (Allah) mismo ang nagbigay ng Kanyang pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan o rebelasyon na Kanyang ipinadala sa mga piling Propeta. Siya ang tanging Tagapaglikha ng lahat ng bagay na ating nakikita at hindi nakikita.



Ayon sa Banal na Qur’an (32:4):



“ Ang Allah ay (Siyang) lumikha ng kalangitan at kalupaan at ng lahat ng nasa pagitan nito….. ”

No comments:

Post a Comment